SA pakikipagtulungan sa QCPD-DSOU, muling nakalambat ang Games and Amusement Board (GAB) ng ilegal na operasyon sa karera at sabong sa Quezon City.

MITRA: Mag-iimbestiga ang GAB.

MITRA: Mag-iimbestiga ang GAB.

Ang operasyon, na nagresulta sa pagkaaresto ng tatlong suspect,  ay bunsod ng inisyatibo ng GAB na supilin ang operasyon ng illegal bookies sa karera ng kabayo dahil ang mga ito ay walang permit mula sa GAB samantalang meron namang mga Off-Track Betting Stations (OTBS) na may kaukulang permit o legal na nag-ooperate.

Ang mga nadakip ay sumailalim sa proseso para sa pag-file ng Inquest gaya ng fingerprinting, medikal at pagkukuha ng larawan at kasalukuyang nasa kustodiya ng QCPD-DSOU. Ang mga kagamitan at materyales na nasakote mula sa operasyon ay naimbentaryo saksi ang mga opisyal ng barangay at nasa pangangalaga din ng QCPD-DSOU bilang ebidensya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang maigting na operasyon kontra illegal bookies ay dahil sa masigasig na inisyatibo ng GAB sa pangunguna ni Chairman Abraham Kahlil B. Mitra na protektahan ang mga legal na patayaan sa karera ng kabayo na nagpapasok ng kita sa pondong nasyunal na ginagamit naman sa mga proyekto at programa ng pamahalaan.