GIVEN na magaling na aktor si Aga Muhlach, ginulat niya ang marami when he played a handsome serial killer in the 1996 movie Sa Aking Mga Kamay.

AGA

Para sa taong ito ay balik-pelikula si Aga in NUUK a dark movie mula sa underrated woman direktor Veronica ‘Roni’ Velasco.

Hindi popularidad ng artista ang batayan ni direk sa pagpili na magsisiganap sa anumang project she is assigned. “I wili settle for anyone provided na bagay sa kanila ang role at wala akong pangarap na si ganoon ay mai direk someday.” Ang setting ng pelikula ay Nuuk ang capital city ng Greenland na ayon sa statistic ay may record ng pinakamataas ng bilang ng suicide in the world.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dito pinagtagpo sina Elaisa na nagumon sa alak sapul ng mamatay ang asawa. She met Mark. Fell in love sa kabila ng pagiging misteryoso nito. Lumalabas na walang nakakakilala sa pagkatao ni Mark played by Aga.

Gusto naming isipin na malakas ang impluwensya ng mga pelikula ni Alfred Hitchcock tulad ng Psycho at Vertigo sa pagbuo ni direk Roni ng NUUK.

-Remy Umerez