PINOST ni Dani Barretto sa IG story niya ang photo na karga ni Bela Padilla ang baby niyang si Millie at mukha ngang naayos na ng dalawa ang naging problema nila at siguro naman, ipa-follow na uli nila ang isa’t isa sa Instagram (IG).

Bella at Baby Millie

Ang caption ni Dani sa photo ng anak na si Millie at ni Bela ay “This photo makes my heart so happy.”

May solo picture sa IG ni Bela ni baby Millie at may caption na “Millie...is what your parents call you. But to me, you’re Milliephant. You can count on me to buy you the candy that your mom and dad say you can’t have hahaha. It was nice to meet you, beaut!”

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

May sagot si Xavi Panlilio, husband ni Dani sa post ni Bela at ang sabi, “A part of me is mad that your nickname for my daughter is better than my nickname for her. But im happy that it was u who thought of such a good one.”

Pati ang followers nina Bela at Dani natutuwa na okay na ang mag-best friends at sila pa ang naglagay ng hashtag na #Friendshipwins at #FriendshipForever.”

-Nitz Miralles