HINDI nagustuhan ng ilang katoto, kasama na kami ang facial expression ng aktor na dumalo sa katatapos na presscon o mediacon para sa project na kabilang sila dahil pasimpleng natawa siya sa tanong ng media practitioner sa aktres na kasama sa project.

Medyo intriga ang tanong ng katoto sa aktres sa Q and A at ngumiti na ang aktor sabay lingon sa ibang kasama nito at sa sumunod na tanong ay hindi na nito napigilan ang nararamdaman dahil natawa na.

Pahulaan ang mga katoto kung sino ba ang tinawanan ng aktor, ang katotong nagtanong o ang aktres na tinanong?

Paalala po ito sa lahat ng artistang dumadalo sa mga mediacon at presscon ng kanilang mga project dahil halos lahat ay naka-video at live streaming pa kaya huling-huli ang mga reaksyon nila kapag may mga bagay na hindi nila gusto habang isinasagawa ang Q and A.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Mabait naman sa amin ang aktor dahil siguro alam niyang taga-media kami. Pero sumisimple siyang naninita kapag nasusulat siya ng hindi maganda lalo na pagdating sa lovelife.

-Reggee Bonoan