angara

ANGARA SA SPORTS SUMMIT! -- Iginiit ni Senator Sonny Angara, chairman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at kilalang taga-suporta ng Philippine Sports, ang pangangailangan na makapagpatayo ng mas maraming sports center upang maisulong ang epektibong sports grassroots program sa buong bansa. Sa kanyang pagdalo sa ginanap na 1st Professional Sports Summit na inorganisa ng Games and Amusement Board (GAB) sa pamumuno ni Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, sinabi ni Angara na ‘all-out’ ang kanyang pagsuporta upang maisulong ng GAB at ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga programa para mapataas ang competitive level ng atletang Pinoy at makamit ang pagiging ‘world-class’. Si Angara ang author at sponsor ng RA 10699 o mas kilala sa tawag na National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act; pati na ang RA 11214 o ang Philippine Sports Training Center. Nanawagan si Angara sa lahat kabilang na ang mga nasa gobyerno o sa pribadong sektor, eskuwelahan, at mga kompanya, guro at mga negosyante, pammilya at mga kaibigan na hangga't maari ay maghanap ng susunod na Manny Pacquiao o Hidilyn Diaz.

"Every portion of our society must be ready to help the next Filipino superstar athlete train and improve their craft. Because as just as it takes an entire village to raise a child, it takes an entire nation to train an Olympic medalist."

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez