MAY na-trigger na naman sa post ni Derek Ramsay ng photo nila ni Andrea Torres na magkasama o isinama ni Derek si Andrea sa paglalaro niya ng golf lalo na ang caption ni Derek ay “MY NEW GOLFING BUDDY!!!”

Andrea & Derek golf buddies

Bago ang post na ‘yun ni Derek, may post din si Andrea na magkasama nga sila ni Derek sa golf at may pictures na naggo-golf si Derek at pati na rin siya. Sabi nito, “I saw 5 birdies today @ramsayderek07 Plus one salingkit. Hahaha.”

Obvious sa mukha nina Derek at Andrea na masaya silang dalawa kung anumang relasyon meron sila. Kaya nang may mag-comment ng “Tagal na ko curious talaga. Kayo ba talaga @ramsayderek07 if yes pls sana siya na. Di yong kapag nagtatagal ng 1 or 3 years relationship eh hiwalay na kayo.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Maiksi lang ang sagot ni Derek sa nag-comment at sabi lang, “do you know me” at tapos na ang isyu. Burn si ate gurl.

Samantala, final week na ng The Better Woman this week at last Tuesday na ng teleserye ng dalawa. Malalaman na kung ano ang mangyayari kay Juliet (ang kontrabida na Andrea) at kung magiging masaya na sina Jasmine (ang bidang si Andrea) at si Andrew (Derek).

-NITZ MIRALLES