GINAPI ng Technological Institute of the Philippines ang Black Mamba, 82-71, nitong Lunes sa 2019 PBA D-League Foundation Cup quarterfinals sa Paco Arena.

Nanguna si Papa Ndiaye sa Engineers na may 22 puntos at siyam na rebounds para masungkit ang huling upuan sa Final Four.

Nag-ambag si Rey De Mesa ng 12 puntos, apat na rebounds, at tatlong assists, habang tumipa si Bryan Santos added ng 10 markers sa TIP.

Umabnate ang Engineers sa 30-14 sa second quarter at matatag na naisalba ang bawat pagtatangang bumalikwas ng Black Mamba.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We just kept at it,” sambit ni coach Potit De Vera. “From start to finish, we just kept at what we keep practicing every day.”

Hataw si Billy Ray Robles sa Energy Drink na may 21 puntos at 10 rebounds.

Samantala, giniba ng BRT Sumisip Basilan-St. Clare ang Hyperwash, 180-117.

Kumabig si Cris Dumapig ng 21 puntos at 12 rebounds para sa Saints.

Ang 180-untos na iskor ng BRT Sumisip-St. Clare ang pinakamarami naitala sa isang laro matapos lagpasan ang 161 na naitala ang 161-122 conquest sa Black Mamba Energy Drink.

Kumana sina James Manacho at Japs Bautista na may tig-18 puntos para pangunahan ang 11 players na nakaiskor ng double digits para sa BRT Sumisip-St. Clare.

“Happy ako na pumasok kami sa semis pero hindi na naman kami na-push to the limit,” sambit ni coach Stevenson Tiu.

-Marivic Awitan

Mga Laro sa Huwebes

(Ynares Sports Arena, Pasig)

Game 1 of Best-of-3 Semis

1:30 n.h. -- CEU vs BRT Sumisip Basilan-St. Clare

3:30 n.h. -- Marinerong Pilipino vs TIP

Iskor:

(Unang Laro)

BRT SUMISIP-ST. CLARE (180) -- Dumapig 21, Manacho 18, Bautista 18, Penaredondo 17, Hallare 14, Fontanilla 13, Tiquia 12, Santos 12, Rubio 11, Decano 11, Gabo 10, Pare 10, Collado 9, Batino 4.

HYPERWASH (117) -- Cawaling 27, Dadjilul 18, Casajeros 10, Fortuna 9, Mirza 5, Bringas 5, Ferrer 5, Buenafe 5, Penaflor 5, Jumao-as 4, De Ocampo 2, Cariaga 0, Julkipli 0.

Quarters: 28-15, 72-51, 132-87, 180-117.

(Ikalawang Laro)

TIP (82 ) — Ndiaye 22, De Mesa 12, B. Santos 10, Daguro 9, Carurucan 8, Tumalip 6, Bonsubre 5, Cenal 5, Alattica 3, Sandagon 2, Pinca 0, I. Santos 0.

BLACK MAMBA( 71) — Robles 21, Caranguian 17, Derige 8, Terso 7, Vidal 5, Gadon 4, Medina 3, Bolos 2, Balucanag 2, Castro 2, Sison 0, Vitug 0.

Quarters: 17-10, 30-23, 52-49, 82-71.