SABAY-SABAY na nagpasalamat si Alden Richards at mga kasama niya sa inspirational drama series na The Gift, bago nag-air ang world premiere last Monday, September 16.

ALDEN

Bago sila sabay-sabay na nanood ng pilot episode, sa location ng taping nila, pinangunahan ni Alden ang pagdarasal ng pasasalamat at pagtataas sa Diyos ng kanilang sisimulang soap opera.

“Maraming-maraming salamat po sa isang napakagandang proyekto na ibinigay Ninyo sa aming lahat. Nawa po itong “The Gift” ay maging inspirasyon sa mga nakararami. Matindi po ang pinagdaanan sa paghahanda nito, iniaangat namin ang proyektong ito na handog namin para sa ating mga kababayan at Kapuso nating walang paningin at may mga kapansanan. I-bless po ninyo ang aming pilot episode at magtuluy-tuloy ang magandang ratings nito. In Jesus Name, we lift this up to You.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Isinunod ni Alden ang prayer before meal at kasunod nito ang boodle fight ng lahat ng cast at production staff na naroon.

Maraming commercial loads ang serye na dinidirek ni LA Madridejos, Nagpasalamat din ang production team dahil nag-trending ito ng number one nationwide at number 5

Napapanood ang “The Gift” gabi-gabi, na nagtatampok din kina Jean Garcia, Elizabeth Oropesa, Jo Berry, Martin del Rosario, Mikee Quintos, Mikoy Morales, Rochelle Pangilinan, Christian Vasquez, Betong Sumaya, Ysabel Ortega, Thia Thomalla, Victor Anastacio at Tetay, after ng Beautiful Justice.

-Nora V. Calderon