MAGBABALIK-ERE n a s a September 21 ang The Clash, ang original reality musical competiton ng GMA-7.
Sa direksiyon ni Louie Ignacio, mapapanood ang journey ng bawat clasher sa The Clash Season 2 tuwing Sabado, 7:00PM, at Linggo, 7:40PM.
Ayon sa GMA Network, bigger than ever ang kanilang r e a l i t y s i n g i n g competition tampok ang bagong set of talented contenders, hosts, at exciting twists.
Isinagawa ang The Clash auditions worldwide para hanapin ang pinakamahuhusay na mang-aawit. Pagkaraan ng ilang buwang proseso sa libu-libong potential contenders, nakapili sila ng Top 64 Clashers na magtutunggali sa The Clash stage – Isa laban sa lahat.
Ipakikilala sa bagong season ang bagong Clash Masters na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose na siyang maghahayag ng exciting twists and intriguing turns sa kabuuan ng show.
Ang off-cam at backstage stories ng clashers ay ibabahagi naman ng well-loved tandem nina Rita Daniela at Ken Chan bilang Journey Hosts.
Muling uupo bilang The Clash Panel sina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Ai Ai delas Alas.
“’Yung pipiliin namin ay kung sino ang karapat-dapat maging grand champion. Kung minsan, nagkakasabay na pareho silang mahusay, pero ang iko-consider ko rin is star quality,” sabi ni Lani at idinagdag na hindi lang magandang boses ang ikokonsidera nila.
All-around performer ang tutuklasin nila sa programa.
“Hindi kailangan kang maganda, guwapo,” ani Christian, “kailangan talaga sa pag-perform mo, mahuli kaming lahat. Dapat may puso kapag kumanta.”
Ayon naman kay Ai Ai, performer na may “wow factor” ang pananalunin nila.
“May mga clasher na pagpasok pa lang ng stage, commanding na ‘yung presence, ‘tapos kapag kumanta na, mapapa-wow ka talaga. Dapat ‘yung huhulihin niya kami at ‘yung audience sa buong performance niya,” aniya.
Mapapanood maging ng Kapuso viewers maging sa iba’t ibang bansa ang The Clash pati na ang iba pang paboritong Kapuso shows sa pamamagitan ng international channels ng Siyete na GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV International. Ang program guide ay maaaring malaman sawww.gmapinoytv. com.
-Dindo Balares