PRODUKTO si Mikoy Morales ng Protege: The Battle for the Big Artista Break ng GMA Network noong 2012. Naging runner up siya ng winner na si Ruru Madrid. Mahusay na actor, isa ring singer-songwriter si Mikoy at madalas siyang nalilinya sa gay roles pero hindi naman daw siya beki. Hindi ba problema sa kanya na sa pagiging gay siya nakikilala? At hindi ba siya binabawalan ng girlfriend na si Thea Tolentino, na Protege winner din?

mikoy

“Wala pong problema sa akin, kahit anong role, gagawin ko, kasi hindi naman ako ganoon off-camera,” natatawang sagot ni Mikoy sa mediacon ng bago niyang series na The Gift. “Wala rin po namang sinasabi si Thea, nagkakaintindihan kami dahil pareho naman kaming artista. Wala pong bawalan sa amin kahit anong role ang tanggapin namin.”

Sa ngayon nga ay may dalawa pang regular shows si Mikoy, ang Bubble Gang since 2015, at napapanood siya every Friday evening, at ang Pepito Manaloto every Saturday evening. Pero ang na-excite siya ay nang isama siya sa cast ng “The Gift” bilang beking barkada ni Alden Richards sa Divisoria kung saan sila lumaki, kasama si Mikee Quintos. Ano ang naging feeling niya na halos araw-araw na pagti-taping nila, at kasama pa siya ni Alden sa tent nito?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Para po akong hindi makapaniwala na kasama ko na siya sa work. Yes, nagkikita kami sa mga events ng GMA pero iyong makatrabaho siya, iba po ang pakiramdam ko. Nakaka-inspire po siya, kasi feeling ko dala niya yung bandera ng GMA Network. It’s not hard to admire him. Nakikita ko yung craft nya, yung pagiging genuine, yung laki ng puso nya, it’s an honor.”

Kung may food daw na ibinibigay kay Alden ang mga fans nito, hindi raw ito nagkakait na i-share iyon sa kanila.

“Enjoy po kami nina Mikee kapag magkakaeksena kami ni Alden, iyong acting namin, natural, dahil para kaming matagal nang magkakaibigan. Kaya sana po ay huwag ninyong i-miss ang aming pagsisimula ng “The Gift.” Sa Monday na po ang world premiere namin, sa Primetime Telebabad, after ng Beautiful Justice.

Kahapon, Friday, magkakasama muli sina Alden, Mikee at Mikoy, with Jo Berry and Thia Thomalla sa Kapuso Fiesta sa Danao City, Cebu.

-NORA V. CALDERON