MULING pumirma ng e x c lus ive cont r a c t s i Pambansang Bae Alden Richards sa GMA Network last Tuesday, September 3, sa harap ng lahat ng mga executives ng network, sa pangunguna ni Chairman at CEO Atty. Felipe Gozun, kaya mananatili siyang isang Kapuso, tulad nang sinabi niya sa special media conference pagkatapos ng contract-signing.
G i n a m i t n a h a s h t a g ng medi a conf e r enc e ang #AldenAsiasMultiMediaStar at #TheGift, ang bagong teleserye na kasalukuyan na niyang ginagawa ngayon.
Nasa ika-9th year na ni Alden sa GMA pero hindi naman naging madali kung paano siya nakapasok sa network sa pamamagitan ng original artista talent search na StarStruck 5. Rejected nga si Richard Faulkerson Jr. sa search at hindi man lamang siya nakaabot sa Final 14. Pero hindi doon natapos ang journey ni RFJ dahil nang mangailangan ang GMA ng magiging leading man ni Louise delos Reyes sa Alakdana, siya ang napili ni Atty. Annette Gozon at binigyan siya ng screen n a m e na ‘Alden Richards.’ May mga leading ladies din na tumangging makatambal siya pero hindi naman nagsawa ang GMA na bigyan siya ng ibang projects. Nakilala na si Alden and the rest is history. Looking back, ngayong sunud-sunod ang tagumpay na tinatamo niya, may masasabi ba si Alden sa mga nag-reject sa kanya?
“Wala naman po, desisyon po nila iyon, at kung may ganoon nga pong rejection pagdating sa akin, choice na po nila iyon,” sagot ni Alden. “Naniniwala po ako na sa industriya natin, walang pilian, ok lang po kung ayaw nila sa akin. I always give people other chances, hindi po ako nagba-burn ng bridges .”
Ayaw na ni Alden na banggitin kung sinu-sino ang nag-reject sa kanya, sa halip nagpasalamat pa siya.
“Nagpapasalamat po ako sa kanila dahil kung hindi sa kanila, hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na gumawa ng mga bagay kahit alam kong malaki ang risk at stake.”
May nagtanong kay Alden kung hindi niya binalak lumipat ng network.
“Hindi po. Napakabait po ng GMA sa akin. Bukod sa mga magagandang projects na ibinigay nila sa akin na nakatanggap ako ng mga awards here and international, hindi nila ako pinabayaang mawalan ng trabaho.
Pinapayagan nila akong gumawa ng projects sa iba, tulad po noon, sa Eat Bulaga, mag-shows abroad, at ito nga pong huli, na pinayagan nila akong gawin ang Hello, Love, Goodbye sa Star Cinema with Kathryn Bernardo. Sa pagpirma ko muli ng contract sa kanila, may mga plano na sila sa akin, isa na rito ang international collaboration sa isang television company, inihahanda na rin po ang isang concert na gagawin ko next year para sa 10th anniversary ko in showbiz, at shows abroad, through the GMA Pinoy TV.
“At sa September 16, simula na po ninyong mapapanood ang inspirational drama series namin, ang The Gift. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.”
-Nora V. Calderon