HAKOT!

Ni Annie Abad

PUERTO PRINCESA – Lumikha ng pangalan ang tatlong swimmers, habang agaw-pansin ang batang archer sa ikatlogn araw ng kompetisyon sa 2019 Batang Pinoy National Finals kahapon sa Ramon v. Mitra Sports Complex dito.

Tumatag ang kampanya nina swimming phenom Marc Bryant Dula ng Paranaque at Aubrey Tom ng Cainta Rizal sa ‘Best Performer Award’ sa nakopong tig-limang ginto, habang sumingit si John Alexander Talosig ng Cotabato at  archer  Aldrener Igot Jr. ng Cebu City sa torneo para sa kabataang may edad 15 pababa.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

DULA

DULA

Nakumpleto ni Dula ang sweep sa limang event na nilahukan nang magwagi sa boys 12-under 100m backstroke sa tyempong 1:08.11.

"Natutuwa po ako kasi po nagkaroon ng magandang resulta yung paghahanda ko po.  Para po ito kay coach Susan. Alam ko po na masaya po siya para sa akin," pahayag ng 11-anyos na Dula patungkol sa kanyang mentor na yumaong swimming coach na si Susan Papa.

Unang araw pa lamang ay nagpakitang gilas na si Dula nang kunin ang unang dalawang medalya sa mga events na50m backstroke (31.10) at 100m fly (1:04.55) na sinundan ng dalawa pang gintong medalya buhat sa 50m butterfly (28.28) at 200m backstroke (2:31.9).

Ganito rin ang naging senaryo ng laro ng 12-anyos na si Tom, kung saan nakuha niya rin ang ikalimang gintong medalya buhat sa 50m freestyle sa oras na 28.93.

Tatlong gintong medalya ang agad naibulsa ni Tom sa unang araw ng kompetisyon kung saan nakuha niya ang ginto sa mga events na girls 200m IM (2:32.30), 100m freestyle (1:03.57) at sa 50m backstroke (33.35) at 50m fly (31.41).

Hindi rin nagpahuli ang 15-anyos na si Talosig na humakot din ng limang gintong medalya sa event na  boys’ 400m freestyle (4: 20.03), bukod sa 200m IM, 1500 freestyle, 400m IM at 200 freestyle.

Sa archery, limang ginto rin ang natudla ng 14-anyos na si  Igot sa  mga events na  40m, 50m at FITA matapos na maghari sa una niyang events na  20m at 30m.

Posibleng madagdagan ang nasabing ginto ni Igot sa kanyang pagsabak sa Olympic round, mixed at sa  boys’ team.

“Sana po maipanalo ko pa ‘yung tatlo para po makapag-uwi ako ng walong golds,” pahayag ni Igot.

Ang Siklab Youth Awardee na si Naina Dominique Tagle  ng  Dumaguete at nakababatang kapatid ng national team member  Nicole Tagle ay nakaasinta rin ng ginto sa mga events  na  40m, 50m at  Fita para sa kanyang ikatlong ginto at isang silver sa 20m sa archery.

Ang nasabing kompetisyon na inorganisa ng Philippine Sports Commission at suportado ng Milo ay tatagal hanggang Agosto 31. Annie Abad