PITONG araw na lamang at magsisimula ang isang linggong kompetisyon para sa mga kabataang atleta sa pag-usad ng National Finals ng Batang Pinoy na gagawin sa Puerto Princesa, Palawan ngayong Agosto 25 hanggang 31.
Mahigit sa 6,000 mga batang atleta ang inaasahang lalahok sa kabuuang 20 sports discipline gaya ng centerpiece event na athletics at swimming, pati na ang archery, arnis, badminton, baseball, basketball, beach volleyball, boxing, chess, dancesport, futsal, karatedo, pencak silat, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, tennis at volleyball.
Pipili ang Philippine Sports Commission (PSC) ng mga atleta na maaring maging kinatawan ng bansa para sa Children of Asia Games sa susunod na taon.
“We will select the athletes with the worthiest performance from this Batang Pinoy to be a part of the national team we are sending to the Children of Asia Games,”pahayag ni Deputy Excutive Director Atty. Guillermo Iroy.
Kasabay nito ay naglaan ang Philippine Sports Commission (PSC) ng kabuuang 16Milyong pisong halaga ng sports equipments para sa host city na Puerto Princesa.
Una nang kinumpirma ng nasabing ahensiya ang kanilang pagkakaloob ng nasabing sports equipments sa nasabing siyudad.
“It has been approved. We are giving 16M pesos worth of sports equipments to Puerto Princesa for hosting Batang Pinoy National Finals,” pahayag naman ni PSC commissioner Celia Kiram.
Ginanap ang unang tatlong leg ng Batang Pinoy sa mga lalawigan ng Ilagan Isabela para sa Luzon leg, IloiloCity para sa Visayas leg at sa Tagum City, Davao para sa Mindanao leg.
-Annie Abad