INGGIT na inggit ang ilang netizens sa pet dog ni Heart Evangelista na si Panda dahil kung gaano kasosyal ang human niyang si Heart, ganun’ din si Panda. Sosyal ang mga gamit ng adopted aspin ng aktres na parang royalty ang breeding kung tratuhin.

HEART AND PANDA

Branded ang collar ni Panda at ang crib ay Hermes yata at heto pa, ang kumot niya ay Hermes din kapareho ng kumot ni Heart. Kung ang kumot ni Heart at Hermes na kulay pink, blue Hermes naman ang kumot ni Panda. Nakakaaliw basahin ang comments nang i-post ni Heart ang photo na magkatabi sila ni Panda gamit ang kani-kanyang Hermes blanket.

May netizen na nag-search sa internet kung magkano ang nasabing Hermes blanket at naloka sa nadiskubre na P50,000 ang worth ng Hermes blanket. Hindi nakapagpigil ang followers ni Heart, kani-kanya sila ng reaction.

Pelikula

'Mananapak na!' Claudine Barretto, gaganap bilang 'Inday Sara?'

Sabi ng isang netizen, “Kinukumot lang ni Panda yung lifetime savings ko. hahahahuhuhu.” May nagsabi namang “sana naging aso na lang ako” at may nag-comment pa ng “sana mapulot din ako ni Heart at gawin alaga niya.”

May mga hindi natuwa sa paggastos ng malaki ni Heart sa kanyang aso, pero sabi ng mga defenders ng aktres, kung may pera naman bakit hindi i-spoil ni Heart ang mga pets niya. Hindi lang naman si Panda ang alagang-alaga ni Heart, ay iba pa siyang pet dogs at may pusa pa.

Anyway, hindi naman apektado si Heart sa mga hanash ng bashers at tuloy ang pagpa-pamper niya kay Panda at sa iba pa niyang pets. May post siya ng mga alagang pusa na may magandang higaan at pinuri na naman si Heart.

Speaking of Heart, maglalabas siya ng libro sa September titled Styled With Heart at sabi nito, “Fashion has always been a passion of mine and I can’t wait to share my journey with you. Thank you to @kevinkwanbooks for being a part of this. The labor of love is launching this September!”

-Nitz Miralles