PSC Board, makikipagpulong kay Sen.Go hingil sa programa sa sports
NASA tamang direksyon ba ang paghahanda ng bansa sa 30th Southeast Asian Games hosting? At anong antas ng kahandaan ang mga atletang Pinoy para muling makamit ng bansa ang overall championship sa biennial meet?
I l a n lamang i t o s a mga katanungan na masasagot sa pagdalo ng mga opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pangunguna ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez, sa ipinatawag na pulong ni Senator Bong Go ngayon ganap na 10:00 ng umaga sa Senate Committee Room No.2.
Sa ipinadalang sulat ni Go, chairman ng Senate Committee on Sports, kay Ramirez na may petsang Agosto 1, 2019, hiniling nito ang organization meeting upang malinawan sa mga isyu na may kinalaman sa sports program ng ahensiya, higit sa mga paghahanda para sa pinakamalaking sports event sa rehiyon sa Nobyembre 31 hanggang December 10.
Hiniling din ni Go kay Ramirez na padaluhin para magbigay ng kani-kanilang report ang mga Commissioners na sina Ramon ‘El Presidente’ Fernandez, Charles Maxey, Arnold Agustin at Celia Kiram.
May tatlong isyu na nais malinawan ang bagong halal na Senador.
Ang tatlong agenda ay ang mga sumusunod:
1) The current sports program being supervised and implemented by the Philippine Sports Commission.
2) The proposed legislative agenda for the sports sector.
3) The roles of the PSC, PHISGOC, and Philippine Olympic Committee for the hosting and conduct of the 2019 SEA Games.
Iginiit ni Ramirez na napapanahon ang pagpupulong upang mailahad ng ahensiya sa bagong pamunuan sa Senado ang mga pangangailangan, higit sa pagsuporta sa pagsasanay at kompetisyon ng mga atletang Pinoy.
“Kahit hindi pa Senador si Sen. Bong Go, supporter na siya ng sports. We’re happy at andyan siya sa Committee on Sports at lalong matututukan ang atingmga programa,” sambit ni Ramirez.
-EDWIN ROLLON