SA edad na 20 ay pinagbabawalan pa rin si Ryle Santiago na magpakita ng katawan dahil kailangang i-maintain ang clean image niya dahil bagets pa siya.

Ryle

“Actually marami pong inquiries, ayaw lang nina mom, dad at Star Magic kasi gusto nila pagdaanan ko lahat ng stages. Ayaw nilang mag-skip ako. Mas gusto nilang alagaan ko ang endorsements ko, i-maintain ko raw muna ‘yung clean image ko,” sabi ng binata.

Samantala, marunong umarte si Ryle pero ang nakakataka ay wala siyang regular show maliban sa It’s Showtime para sa grupo nilang Hashtags.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Nagulat kami sa sagot ng binata, “may humaharang po kasi sa akin. Feeling ko, actually hindi ko feeling, may mga nagsasabi po na kapag nalamang kasama ako sa ganitong serye, kinakausap nu’ng taong ‘yun na huwag na akong isama. Hindi ko nga po alam kung bakit, eh. Tinanong ko (taong humaharaong) kung bakit, hindi naman daw, dine-deny niya pero marami nga po ang nagsasabi. E, ako, bahala na ang Diyos alam naman niya lahat ang nangyayari.”

Sa kabilang banda ay thankful si Ryle dahil kahit sa It’s Showtime lang siya napapanood ay marami pa rin siyang inquiries para sa shows out of town bukod pa sa product endorsements.

Anyway, nagkaroon ng discoloration ang mukha ni Ryle dahil lagi siyang babad sa initan ng araw at palibhasa lalaki ay dedma siya at nu’ng napapansin na ng mama Sherilyn Reyes-Tan niya ay pinayuhan siyang gumamit ng Beautederm cream.

“Before po kasi idinadaan ko na lang sa make-up para hindi halata ang discoloration ko tapos nu’ng pina-try sa akin ni mama, hindi ako naniniwala nu’ng una hanggang sa nasubukan ko. Ngayon puwede na akong sumalang na hindi nagme-make-up or very minimal na lang o powder para masabing may kulay. Importante talaga kasi skin is the largest organ, kaya kailangang alagaan kasi puwede kang magkaroon ng skin cancer kaya dapat alagaan keeping it healthy, glowy, alive.”

Bukod sa cream set ay ini-endorso rin ni Ryle ang soothing oil ng brand, “kasi ‘pag nasa travel ka o medyo sumama pakiram mo, nilalagay ko talaga, super effective po.”

-Reggee Bonoan