KASALUKUYANG napapanood sa telebisyon ang tinaguriang Reyna ng Teleserye na si Judy Ann Santos kasama ang Hari ng Teleserye na siyang bida ng Ang Probinsiyano, sa primetime show ng ABS-CBN. Kakaibang pagsasama ito ng dalawang higante ng telebisyon, huh!

Judy Ann

Hindi lang naman ang FPJAP ang tiyak na tututukan ng mga nagmamahal kay Judy Ann dahil malapit na rin nilang mapanood ang isa sa sinasabing ipagmamalaki ni Juday sa kanyang mga tagahanga, ang Starla.

Matatandaang noong 2013 pa huling napanood si Juday sa teleserye o soap opera. Kaya ganoon na lang ang pananabik ng kanyang mga tagahanga at ganon din naman sa panig ng aktres. Kakaiba naman daw ang papel na gagampanan ni Juday sa Starla.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Basically it is all about battles at ‘yong personal na paghahangad ng character ko how to forgive a town, how to forgive myself at ‘yong tungkol pa rin sa trust and honesty,” sey ni Judy Ann.

Aniya pa, Hindi lang daw ang mga tagahanga niya ang maaaring magmalaki sa bago niyang show, pati na rin ang mga anak nila ni Ryan Agoncillo na sina Yohan, Lucho at Luna.

Ngayon lang ulit nakagawa ang superstar ng serye para sa bata, kaya ganoon na lang ang excitement niya sa bagong show.

“For the longest time, eh, pinagbawalan namin ni Ryan ang mga anak namin na manood ng aming mga teleseryes. Pero ngayon, maipagmamalaki ko sa kanila at p’wedeng araw-araw nilang subaybayan. Isa itong very heart-warming na ang focus ay mga bata at siyempre para na rin sa mga magulang nila,” anang aktres.

Binanggit rin ng award winning actress na may pagka-kontrabida ang papel niya sa Starla, na maaaring ikagulat ng mga manood dahil sanay ang publiko sa good image nito sa mga serye o pelikula.

“Well, ito, ‘yong first time na gaganap akong kontrabida sa isang soap. May kakaibang challenge ito sa akin and for sure may magugulat pero sa totoo lang, ini-enjoy ko lang ang proseso. Kasi sa totoo lang, ngayon lang ako nakagawa ng ganitong klaseng role and siyempre para maiba naman,” lahad pa ng nag iisang Ms. Judy Ann Santos.

-Jimi Escala