Patay ang isang babae nang sumabog ang isang bomba sa kanilang bahay, na ikinasugat ng asawa nito na umano’y bomb expert ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) at isang menor de edad na apo sa Pikit, North Cotabato, kamakailan.

BOMBA

Sa report ng militar, dead on the spot si Misba Masla, ng Sitio Butelin, Barangay Kabasalan, dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Binabantayan pa ng militar at pulisya ang sugatang bomb expert na si Alimuden Masla na nakaratay sa Cruzado Medical Hospital sa Pikit, dahil sa mga tama ng shrapnel sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sugatan din ang apo nila na si Edwin Masla, 10.

Bigla na lamang umanong sumabog ang hindi pa natutukoy na uri ng bomba sa bahay ng mag-asawa na gawaan umano ng mga pampasabog ng BIFF.

Itinanggi naman ito ng pamilya ng mag-asawa at iginiit na isang ordinaryong magsasaka lamang si Alimuden.

Inihayag pa ng militar na sinanay si Alimuden ng local terrorist sa Mindanao sa paggagawa ng bomba mula nang umanib ito sa grupo.

-Fer Taboy