GAB, palalakasin ang organisasyon ng pro league at anti-doping program

TARGET ng Games and Amusements Board (GAB) na pataasin ang antas ng mga programa sa professional sports, higit sa aspeto ng organisasyon, medical at doping.

IPINALIWANG ni GAB Chairman Baham Mitra ang maidudulot na kabutihan sa pro league ng gaganaping Philippine Professional Summit, habang nakikinig sina (mula sa kanan) Boxing chief Jun Bautista at Dr. Viernes ng GAB.

IPINALIWANG ni GAB Chairman Baham Mitra ang maidudulot na kabutihan sa pro league ng gaganaping Philippine Professional Summit, habang nakikinig sina (mula sa kanan) Boxing chief Jun Bautista at Dr. Viernes ng GAB.

Ito ang layunin sa ilalargang kauna-unahang Philippine Professional Sports Summit sa Setyembre 24-25 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We’re hoping to invite the different stakeholders in professional sports to participate in this sports summit under GAB,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa kanyang pagdalo sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros.

“We’re trying to bring GAB closer to our stakeholders, closer to the people. Through the convention, we’re hoping to come up with a dialogue and assessment. We hope to come up with a road map on what we have to do and where we want to go,” sambit ng dating Palawan Congressman at Governor.

Kasama ni Mitra na nagbigay ng kanilang pananaw sa natatanging programa sina Dr. Radentor Viernes at GAB Boxing and Other Combat Sports head Dioscoro ‘Jun’Bautista.

Iginiit ni Mitra na napapanahon ang naturang Summit, higit ang buo ang suporta sa sports nina Senator-elect Bong Go, Chairman ng Senate in Sports and Amusement, gayundin ni Sen. Sonny Angara na siyang naglaan ng karagdagang pondo para maisakatuparan ang programa na naglalayong mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga atleta sa magandang maidudulot ng pagiging lisenyadong pro athletes, gayundin ang epekto ng ilegal na droga sa sistema ng mga atleta.

“We’re very fortunate to get the support of Sen. Angara for this endeavor,” pahayag ni Mitra sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drnks.

Kabilang sa mga inimbitahan para maging resource speaker sina Sen. Angara at Sen.Bong Go, gayundin si PHINADO president Dr. Alejandro Pineda.

“It will be a very productive convention for all of us,” sambit ni Dr. Viernes, itinalaga ring head ng organizing committee of the sports summit..

“There will be lectures on different topics involving professional sports, including the anti-doping program of the government, the universal health care and even developmental pediatrician,” eaniya.

Nakalinya rin sa Summit ang round-table discussions para malaman ng GAB officials ang iba pang pangangailangan ng mga sports at mga atleta, gayundina ng One-Stop shop para matugunan ang pagrepaso ng mga lisensya at iba pang dokumento na kailangang sa GAB.

Inaasahang makikilahok sa summit ang mga kinatawan ng iba’t ibang pro league at organization sa bansa tula dng PBA, boxing, billiards, cycling, football, golf, motocross, triathlon, volleyball at e-sports.

Mula nang maitalagang GAB Chairman ng Pangulong Duterte, ito ang ikalawang malaking event na inorganisa ng GAB matapos tanghaling ‘Commission of the Year’ ng makapangyarihang World Boxing Council (WBC) noong 2017.

Nag-host din ang GAB ng 3rd World Boxing Council (WBC) Women’s Convention and Asian Summit nitong November.

Napabilang din si Mitra sa makapangyarihang WBC Ratings Committee, at nitong laban ni Manny Pacquiao kay Keith Thurman ay nagsilbing supervisor sa undercard fight sa WBC welterweight eliminator nina Yordenis Ugas ng Cuba at Omar Figueroa ng United States, at WBC bamtamweight silver title sa pagitan nina Luis Nery ng Mexico at Juan Payano ng Dominican Republic

-EDWIN ROLLON