Pacquiao, wagi kay Thurman via split decision

KAAGAD na ipinadama ni Manny Pacquiao ang lakas ng kamao nang pabagsakin ang karibal na si Keith Thurman sa unang round at sinulit ang paghihintay nang manonood sa ipinalamas na bilis, diskarte at resistensya at sa edad na 40, nanatiling kampeon nitong Sabado (Linggo sa Manila).

NAPATAMAAN ni Pacquiao si Thurman na nagpangalog sa tuhod nito sa unang round ng kanilang laban. Nakamit ng ‘Fighting Senator’ ang WBA welterweight title via split decision. (LOUIS PANGILINAN)

NAPATAMAAN ni Pacquiao si Thurman na nagpangalog sa tuhod nito sa unang round ng kanilang laban. Nakamit ng ‘Fighting Senator’ ang WBA welterweight title via split decision. (LOUIS PANGILINAN)

Nagbunyi ang sambayanan at mga tagahanga sa buong mundo at sa dinagsang MGM Grand Arena sa Las Vegas sa naitalang split decision ng tinaguriang ‘Fighting Senador’ laban sa dating walang talo, ngunit salat pa sa karanasan na si Thurman.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dinungisan ni Pacman (62-7-2) ang dating malinis na record ni Thurman sa nakuhang iskor na 115-112 mula sa dalawang hurado, habang nakuha ni Thurman ang ayuda ni Glenn Feldman (114-113).

“It was fun,” pahayag ni Pacquiao sa post-fight interview. “My opponent is a good fighter and boxer. He was strong. ... I think he did his best, and I did my best. I think we made the fans happy tonight because it was a good fight.”

Sa unang round pa lang ay nagpamalas na ng bangis ang eight-division world champion, at sa isang pagkakataon ay nakasilip ng tsansa at patamaan ng right hook sa baba si Thurman may 20 segundo ang nalalabi. Nakasalba ito at nakapagpatuloy ng laban.

Sa mga sumunod na round, pakitang-gilas si Thurman (29-1) at ilang ulit na nasubukan ang tibay nang panga ng karibal sa napatamang bigwas. Sa kabila ng palitan ng suntok, wala nang nakagawa ng knockdown, ngunit nagpatuloy ang dikdikang laban na ikinasiya ng sellout crowd sa MGM Grand Garden.

Marami ang nagduda sa kakayahan ni Pacquiao nang matalo sa laban sa dehadong si Australian Heff Horn may dalawang taon na angnakalilipas. Ngunit, sa kabila nang puspuang trabaho bilang Senador, nagawang makapaghanda ni Pacman para maitala ang magaksunod na panalo laban kina Lucas Matthysse at Adrien Broner.

“I knew it was close,” sambit ni Thurman. “He had the momentum because he got the knockdown in round one. ... I wish I had a little bit more output to go toe to toe. My conditioning, my output was just behind Manny Pacquiao’s tonight. Tonight was a blessing and a lesson.”

Humingi si Thurman ng rematch, at malakas na hiyawan ng pag-sangayon ang sagot ng crowd.

-Nimrod Rubia/ Myca Cielo M. Fernandez