Tambalang LCC Superstores at Bicol Volcanoes sa MPBLWomen

TULAD ng bulkang Mayon na nakatago ang tapang sa kayumihan, handa ang Bicol Volcanoes – pinakabagong koponan sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup – na magalboruto at maglagablab na walang pinipiling panahon at pagkakataon.

NAGKAMAYAN sina team owner Gil Orense (kaliwa) at LCC Department Stores president Ed Ponce matapos lagdaan ang kasunduan para sa kampanya ng Bicol Volcanoes sa MPBL, habang nakamasid sina (mula sa kaliwa) team co-owner at vice president Mark Tan, LCC Supermarkets president Eric Poiret at VP for Operations Christian Tan.

NAGKAMAYAN sina team owner Gil Orense (kaliwa) at LCC Department Stores president Ed Ponce matapos lagdaan ang kasunduan para sa kampanya ng Bicol Volcanoes sa MPBL, habang nakamasid sina (mula sa kaliwa) team co-owner at vice president Mark Tan, LCC Supermarkets president Eric Poiret at VP for Operations Christian Tan.

“Bicol is famous for volcanoes and we feel tamang-tama ito as monicker for the team – fierce and hot, anytime puwedeng mag-explode,” pahayag ni Team owner/president ng Bicol Volcanoes Gil Orense, sa ginanap na special edition ng ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Iginiit ni Orense na bilang isa sa bagitong miyembro ng liga, handa silang makiayon sa takbo ng sistema at hahayaang ma-develop ang players – karamihan ay homegrown talents – sa kanilang adhikain na abutin ang mataas na level ng basketball career.

“Very modest lang ang target naming, Of course we believe in Cinderella finish, but right now, hindi naming binibigyan ng pressure ang mga players. Kung ano ang kaya nilang gawin at abutin doon muna kami. Anyway, ang main purspose namin when we decided to put up a team ay tulungan ang mga kabataan at mga players na hindi nakalaro sa PBA na maituloy ang kanilang pangarap,” sambit ni team co-owner at vice president Mark Tan.

Sa pakikipagtulungan ng LCC Superstores – pinakamalaki at pinakamaraming retail outlet sa buong Bicol region – matikas na nakikipagtagisan ng lakas at galing ang Volcanoes na kasalukuyang tangan ang 4-2 marka sa North Division.

“We owed it to LCC Superstores management. Kung hindi sa tulong nila, baka hindi natuloy ang pagsali naming sa MPBL,” sambit ni Tan.

Sa naturang forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Community Basketball Association (CBA), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), NPC at HG Guyabano Tea Leaf Drinks, pormal ding senelyuhan ang tambalan ng Bicol Volcanoes at LCC Superstores ang Memorandum of Agreement (MOA).

Lumagda sa MOA sina LCC Department Stores president Ed Ponce, LCC Supermarkets president Eric Poiret at VP for Operations Christian Tan.

“This partnership is part of LCC’s CRS program. We believe that LCC’s mission and vision is aligned with the Bicol Volcanoes battlecry. We have a lot of talents here in Bicol. We hope that this partnership will help in our quest to tap and develop future cage superstars,” pahayag ni Ponce.

Ayon kay Poiret na isang French national, ang katatagan ng LCC Superstores – kabuuang 83 branches sa Bicol – ay bunga ng tiwala at pagpapahalaga ng mga Bicolano kung kaya’t marapat lamang na maibalik sa komunidad ang malasakit at pagtulong sa pangangailangan ng kabataan na madevelop ang kanilang katauhan sa pamamagitan ng sports.

-EDWIN ROLLON