Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga motorista sa inaasahang matinding trapiko sa isang-taong pagkukumpuni sa bahagi ng Elliptical Road sa Quezon City, na sisimulan bukas at matatapos sa Hulyo 2020.

(Photo by Jacqueline Hernandez)

(Photo by Jacqueline Hernandez)

Ayon sa abiso ng MMDA, sisimulan bukas, Hulyo 12, ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road repair-rehabilitation-reconstruction-upgrading ng sirang paved road-secondary road sa Elliptical Road sa Quezon City, na may koneksiyon sa Metro Rail Transit (MRT)-7 project.

Ang pagkukumpuni ay tatagal nang 360 araw, o inaasahang makukumpleto sa Hulyo 5, 2020.

National

Sen. Bato at iba pa, 'di sumipot sa bicam conference committee meeting para sa 2026 nat’l budget

Magpapakalat naman ang MMDA ng karagdagang traffic personnel, na magmamando ng daloy ng trapiko sa lugar.

-Bella Gamotea