GAANO katatag ang love team nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Sa pagbabago ng timeslot ng serye nilang Sahaya ay babanggain nito ang ilang taon nang top-rating na FPJ’s Ang Probinsyano—at dito masusubukan ang ilang taon na ring tambalan ng BiGuel.

Miguel at Bianca

Tiwala ang GMA-7 na may captive viewers ang Sahaya at maiba man ang oras ay patuloy itong tututukan ng mga sumusubaybay sa serye.Kaabang-abang ang confrontation scene between Bianca and Miguel, lalo na nang magbitiw sila ng hugot lines na aantig sa puso ng mga televiewers.

Matindi rin ang pagseselos ng karakter ni Ahmad (Miguel) tuwing makikita niyang magkasama sina Sahaya at Jordan (Migo Adecer).

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

-REMY UMEREZ