FOLLOW-UP ito sa nasulat namin tungkol kay Ruffa Gutierrez kahapon na kasalukuyan na palang nagte-taping ng bagong teleserye niya mula sa Dreamscape Entertainment, kung saan makakasama niya sina Erich Gonzales, Xian Lim at Kim Chiu.

Ruffa

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa namin alam kung sino ang direktor at kung ano titulo ng nasabing serye.

Anyway, nasa pangangalaga na pala si Ruffa ni Erickson Raymundo base na rin sa IG post ng Cornerstone nu’ng batiin siya sa kaarawan niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Happy Birthday @iloveruffag. May beauty and happiness surround you, not only on your special day, but always. Love, your Cornerstone Family,” post ng Cornerstone.

Kaagad naming chinat ang Cornerstone President at CEO na si Erickson habang tinitipa ang balitang ito tungkol kay Ruffa at nabanggit nga niya na in-announce na nila sa IG na nasa pamamahala na nila ang aktres.

“Yes, on-going nga ang taping ng teleserye with Kim, Xian and Erich,” sagot sa amin ni Erick.

Inalam namin kung co-manager ang mommy ni Ruffa na si Annabelle Rama dahil ganito naman talaga ang kundisyon ni Bisaya na lagi siyang may say sa career ng anak.

“Wala naman kaming communication pa,” sagot ni Erick.

Nu’ng huli namin itong nakausap, bago pa i-anunsyong additional sa kanilang roster of talents si Ruffa, ay hesistant siya nu’ng una na tanggapin ang aktres kasi nga sikat na at dumating na ‘yung peak sa career nito.

“On our part sa Cornerstone, ano pa ba ang puwede naming ibigay kasi Ruffa Gutierrez na siya, ‘di ba? Kaya inupuan namin, nag-usap kami at ‘yun nagkuwento siya tungkol sa kanya, anong nangyari. Basically gusto lang naman niya makabalik at magkaroon ng regular show. Single mom siya, kailangan niya ng trabaho.

“Wala namang demands si Ruffa so tinanggap namin tapos nabanggit ko sa ABS na nasa amin na si Ruffa, sakto naman na may kailangan pang role sa bagong teleserye ng Dreamscape,” kuwento ng bagong manager ni Ruffa.

Paano kung may mga raket si Annabelle na nandoon ang anak dahil laging may pa-show si Bisaya, kailangan pa bang ipaalam kay Erickson?

“Ok lang pag ganu’n. Siyempre you respect that naman,” mabilis na sagot sa amin.

Nakakatuwa kasi nakabalik na si Ruffa sa ABS-CBN.

-Reggee Bonoan