LAUSANNE, Switzerland (AP) — Tuluyan nang kinalos ng International Olympic Committee (IOC) ang kontrobersyal na International Boxing Federation (AIBA).

Sa pagbawi ng Olympic status ng boxing nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) ang IOC ang mamamahala at magtpapatakbo ng qualifying at final tournaments para sa 2020 Tokyo Games.

“AIBA had created “very serious reputational, legal and financial risks” for the IOC and its stakeholders, not just the American ones,” pahayag ni Olympic inquiry panel chairman Nenad Lalovic.

Matagal nang nasasangkot sa iba’t ibang isyu – mula sa korapyos at manipulasyon – ang AIBA, ngunit napuno na ang IOC nang mahalal bilang pangulo ng federasyon si Gafur Rakhimov, iniimbistigahan ng United States federal sanctions bunsod nang pagkakasangkot sa Eastern European organized crime, sapat para magsagawa ng imbestigasyon sa ‘boxing’s governance, debts ang integrity of Olympic bouts’.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagkakaisa ang IOC membership na katigan at iinderso ang naunang rekomendasyon ng Executive Board na suspindihin ang AIBA.

Nakabase rin sa Lausanne, halos bangkarote na ang AIBA bunsod ng utang na US$17 milyon.

Nakatakda magpulong ang AIBA sa Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Geneva. Inaasahang kakatawanin ni Lalovic ang IOC para harapin ang AIBA executive committee members na nagtatangka na mapanatili ang kanilang program sa Tokyo.

“I hope the IOC does realize there are many people in AIBA who are respectful, ethical and transparent who can provide their expertise,” pahayag ni Bulgarian boxing official Emilia Grueva.

Nawala ang tiwala ng mga boxers sa AIBA bunsod ng iba’t ibang isyu at kontrobersya mula 2008 hanggang 2016 Olympics.