“JUST in… Praise GOD! Salamat Lord Jesus! What a great news! Salamat po sa production at crew namin! Nagpapasalamat po ako sa Subic bay International Film festival commitee sa pagkilala sa akin sa pelikulang ‘Tell Me Your Dreams’.
“Salamat po sa direktor ko si Anthony Hernandez sa pagpili po sa akin sa proyekto na ito. At sa lahat ng mga guro na walang-sawa na nagmamahal at tumatayong pangalawang magulang sa ating mga anak. Para po sa inyo ito.
“At sa aking mga anak na si Andre at Marthena na lagi kong inspirasyon sa lahat ng proyektong ginagawa ko. At sa aking partner na si Vice Gov. Jay Khonghun na lagi naniniwala at sumusuporta sa aking kakayahan para sa atin to!
“Akin pong inaalay ang karangalan na ito sa yumaong actor at haligi ng industriya Mr Eddie Garcia. Ikaw ay mananatiling inspiration para sa aming lahat,” ito ang post ni Aiko Melendez sa kanyang Facebook page nitong Linggo ng gabi.
Tinanghal na Best Actress si Aiko para sa pelikulang Tell Me Your Dreams mula sa direksyon ni Anthony Hernandez sa nakaraang Subic Bay International Film Festival na ginanap mismo sa Subic, Zambales.
Kasama ni Aiko na nanalo sa parehong kategorya si Sylvia Sanchez para sa pelikulang Jesusa na idinirek ni Ronald Constantino.
Tulad ni Sylvia, hindi rin personal na natanggap ni Aiko ang kanyang tropeo dahil kasama siya ng anak niyang nagdiwang ng kaarawan, ayon sa mga katotong dumalo sa nasabing awards night.
Samantala, nitong nakaraang araw ay nag-post si Aiko sa kanyang FB page tungkol sa isang online seller na ginamit siya sa promo ng ibinebenta nitong produkto.
“Nakakainis ‘yung nagbabayad ka para sa isang produkto tapos ang ending gagamitin ‘yung name at pictures mo para makabenta ng product nila. I’m upset!” iritableng post ng aktres.
Dagdag pa, “Sa aming mga artista, ‘yung paggamit ng pictures namin sa halos lahat ng promotional sales n’yo. That’s a big no no. Just saying. Hindi naman porket mabait sa inyo, gagamitin na agad pictures namin.”
Ipinost ng aktres ang produkto na may kinalaman sa pagpapayat at ang caption ay, “This is already a warning post. Please stop using my pictures to gain sales. You didn’t ask permission for my pictures to be used in your networking business.
“I may have tried your product, but to claim that my weight loss was because of your product is not right, and definitely not true! Lalo na kung wala namang nakikipag-usap sa akin and my management team regarding the endorsement of your company. Bring down your posts please!”
As of this writing ay tinanggal na ng online seller ang litrato ni Aiko kasama ng produktong pampayat.
At dahil sa nangyaring ito ay humingi na ng paumanhin ang aktres sa mga nagre-request sa kanya ng video greetings para na rin mapangalangaan ang kanyang pangalan.
“Du’n sa mga nag-PM sa akin para sa video greet, na-trauma na ako po. Nagpapa-greet kayo ng Happy Birthday tapos papakita n’yo sa video slides n’yo na gumagamit ako ng produkto n’yo. Ano kaya ‘yun? Kaya pasensya na po hindi ako gagawa muna ng video greet kahit kanino po. Pasensya na po,” pahayag ni Aiko.
Kaya pala may mga artistang namimili lang kung sino ang pagbibigyan nila ng video greetings dahil sa mga taong tulad ng sinita ni Aiko na ginamit ang pangalan niya para sa promo ng ibinebentang produkto.
-REGGEE BONOAN