ANG bilis madagdagan ng number ng views sa ipinost na photo ni Marian Rivera na magkakasama sila ni Dingdong Dantes at ng bunso nilang si Ziggy.

Marian, Dingdong, at Ziggy copy

Isinabay ni Marian sa Father’s Day ang post ng nasabing picture, at may mensahe siya kay Dingdong: “Happy Father’s day Mi Amor!”

Ang napansin ng netizens, tulog na naman si Ziggy sa picture. May nag-comment tuloy na gustong lumaki agad ni Ziggy, dahil tulog nang tulog. Dalawang litrato pa lang yata ni Ziggy ang nakitang gising siya.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Gaya sa mga nakaraang ipino-post na family picture ni Marian, puro positive ang comments, at muli ang pakiusap kina Marian at Dingdong na damihan nila ang kanilang mga anak dahil they make beautiful babies.

Samantala, nabigyan si Korina Sanchez ng Flora Vida by Marian flower arrangement ni Marian through Rei Ramos Anicoche-Tan, ng Beautederm Corporation.

Post ni Korina: “Did you know actress Marian Rivera does these beautiful air dried flower arrangement herself? It’s her business, Flora Vida. The blooms stay ‘fresh’ for 3 years! Thanks, Marian and Beautederm’s Rei Tan for making my day.”

-Nitz Miralles