Davis, matabang isda para sa LA Lakers

NEW ORLEANS (AP) — Malaking isda ang tuluyang nabingwit ng Los Angeles Lakers.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

MAS pinili ng Los Angeles Lakers ang karanasan nang ipamigay ang mga papasikat na players kapalit ng 6-foot-10 three-time NBA All-Star na si Anthony Davis. (AP)

MAS pinili ng Los Angeles Lakers ang karanasan nang ipamigay ang mga papasikat na players kapalit ng 6-foot-10 three-time NBA All-Star na si Anthony Davis. (AP)

Sa ulat ng Associates Press, nakipagkasundo na ang New Orleans Pelicans na i-trade ang dismayadong All-Star center na si Anthony Davis sa Lakers, kapalit nina point guard Lonzo Ball, forward Brandon Ingram, shooting guard Josh Hart  at tatlong first-round draft sa nais ng Pelicans.

Ipinahayag ng isang opisyal sa Associated Press ang napagkasunduan, ngunit hindi ito opisyal hangga’t hindi pa nagsisimula ang bagong season ng liga sa Hulyo 6. Nauna nang naibalita ng ESPN ang naturang trade.

Natuldukan ang limang buwang usapin hingil sa pagnanais ni Davis na makawala sa Pelicans at hanapin ang tamang koponan na makapagbibigay sa kanya ng kampeonato. Kapwa nasa pangangasiwa ni agent Rich Paul sina Davis at Lakers star LeBron James.

Sa edad na 26, isa si Davis, six-time All-Star, sa ipinapalagay na dominanteng player sa liga at ang pakikipagtambalan kay James, three-time NBA champion at NBA Finals regular, ay inaasahang hahatak sa Lakers sa pedestal.

Kakabig naman ang Pelicans sa batang lineup ay may posibilidad na madagdagan ito ng lakas para sa mkanilang future sa kasiguraduhang makuha ang first pick sa NBA draft sa Huwebes kung saan inaasahang kukunin ng Pelicans si Duke star Zion Williamson.

Kapwa nabigong makausad sa playoffs ng katatapos na season ang Lakers at Pelicans.

"Great job by Owner Jeanie Buss bringing Anthony Davis to the Lakers!" pahayag ni dating Lakers president for basketball operation Magic Johnson sa kanyang Twitter.

Ngunit, hindi pa tapos ang Lakers sa pamimingwit.

Malakas ang usapin na interesado ang Lakers sa free agent na sina Kyrie Irving, Kemba Walker, Jimmy Butler at Southern California native Kawhi Leonard, tinaghal na Finals MVP sa kampeonato ng Toronto Raptors laban sa Golden State Warriors.