Unang NBA title, ipaparada sa Canada
OAKLAND, Calif. (AP) — Muling itinaas ni Kawhi Leonard ang NBA championship, ngunit sa pagkakataong ito ang pagdiriwang ay para sa kasaysayan ng Canada – ang kauna-unahang titulo ng Toronto.
Mula sa hiyawang “We the North!”, hanggang sa “We the Champs!”
Pinangunahan ni Leonard, miyembro ng San Antonio Spurs na pumigil sa pagtatangka ni LeBron James at Miami Heat sa ‘three-peat’ noong 2004, ang ratsada ng Toronto Raptors tungo sa 114-110 panalo kontra sa ‘pilay’ na Golden State Warriors sa Game 6 nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).
Sumablay ang three-pointer ni Stephen Curry sa harap ng depensa ni Mark Gasol sa krusyal na sandali, bago humingi ng timeout ang Warriors matapos makuha ang bola sa ‘loose ball’ may 0.9 segundo ang nalalabi. Ang masakit, wala ng time out ang Warriors, dahilan para patawan ng technical.
Naisalpak ni Leonard ang free throw para selyuhan ang panalo at tanggapin ang ikalawang Finals MVP award.
Ito ang unang titulo ng prangkisa at kauna-unahang sports major title ng Canada mula nang maging kampeon ang Toronto Blue Jays sa 1993 World Series.
Larawan nang panghihinayang si Curry at ang Warriors fans, higit at nagtamo ng injury (ACL) sa kaliwang tuhos ang ‘Splash Brother’ niyang si Klay Thompson sa kaagahan ng final period. Tumipa si Thompson ng 30 puntos bago ang insidente.
Kumana si Fred VanVleet ng krusyal three-pointer sa krusyal na sandali para sa kabuuang 22 puntos na naging sandigan ng Raptors para maipuweersa ng Warriors ang winner-take-all Game 7.
Sugatan ang Warriors, higit at nabigo silang magdiwang ng kampeonato sa huling pagkakataon sa pamosong Oracle Arena. Lilipat na ang Warriors sa Chase Center sa San Francisco sa pagbubukas ng season matapos ang 47 taon