DAHIL kay Vi c e Ganda , nakatuntong ng programang It’s Showtime ang dating Kapuso talent na si Teri Onor para i-promote ang nalalapit niyang concert na Anton Diva: SHIE XX11 AD na gaganapin sa July 15, Sabado, sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Regine at Teri copy

Matagal na raw magkaibigan sina Vice at Anton, na dekada na ang tagal. Sa kuwento ni Teri nitong nakaraang presscon, aniya, customer pa lamang noon si Anton Diva sa The Library, Adriatico St., Malate, Manila nang maging ka-close ni Teri.

Natanong kasi si Teri kung bakit si Anton at hindi ang nasirang Chokoleit na kaibigan din ni Teri ang ipinag-produce ng TOES (Teri Onor Entertainment Services) ng concert.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“Noong time kasi na ‘yun, siya [Anton] ‘yung madalas kong kasama, e.

“Tsaka sa The Library noong 1996, nasa entrance ako, parang GRO ako, nagkakaha.

“’Pag weekends, pumupunta siya sa The Library.”

Estudyante pa lamang noon si Anton at madalas magpalibre kay Teri ng entrance fee sa naturang comedy bar.

“Ako naman, sasabihin ko, ‘Sige, may request ako sa iyo, na ‘Never Ever Say Goodbye’ ang kantahin mo.’”

Noon p a niya alam na mala-Regine Velasquez ang boses ni Anton kaya mga kanta ng Asia’s Songbird ang madalas i-request ni Teri kay Anton.

“ P a y a t p a s i y a noon. S o , pinapapasok ko siya nang libre, pero may request ako sa kanya.”

T u n g k o l n a m a n k a y Regine Velasquez, naitanong kay Teri kung nahirapan ba siyang kunin si Regine bilang guest ni Anton.

“Ang bait-bait nga po, e. Noong tinawagan ko si Miss Deanne [Roque na kapatid ni Regine], ‘tapos noong gabi pong ‘yun na nagmi-meeting po kami, tinawagan ko siya, sabi niya, ‘Sige, itse-check ko.’

“Kinabukasan, noong lunch time, nag-text, ‘Okay na si Ate.’

“Sabi ko, ‘Magkano ‘yung damage?’ ‘Mahal po kayo ni Ate, tsaka si Anton.’

“Grabe, grabe si Ate Regine!”

Guest din sa concert ni Anton si Vice Ganda.

“Ganoon din po si Meme [Vice].

“Kasi before pa, talagang silang dalawa ang kinukuha ko. Wala pa kaming venue. Si Meme, noong nagkausap kami sa wake ni Chokoleit, ‘tapos sabi niya, ‘Walang problema.’

“‘Tapos, nag-suggest pa siya, tutulungan din niya sa TV guestings [to promote the concert] sa ABS-CBN.”

Paano kung hindi naging available sina Regine at Vice ng June 15?

“Ia-adjust po,” ang mabilis na sagot ni Teri.

“Kasi, hindi ko po ito gagawin nang wala po silang dalawa.

“Kasi, Shine nga, doon po nakuha ‘yung idea noong nag-share po ng stage si Ate Regine tsaka si Vice sa Araneta Coliseum, shinare kay Anton for two nights.”

Sa Valentine concert na The Songbird and The Songhorse, pinaakyat nina Regine at Vice si Anton from the audience para makitsika at maki-jamming sa kanila onstage.

“Sabi ko, ito ‘yung continuation! Now, si Anton naman ang nasa main stage, ‘tapos a n g gue s t s niya ay silang dalawa.”

-Ador V. Saluta