Dalawang lalaking dayo ang pinagbabaril ng 'di pa nakikilalang mga armado sa Taytay, Rizal, nitong Lunes.

Tinutukoy pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima, na ang isa ay inilarawang katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng gray T-shirt at brown shorts; habang ang isa ay katamtaman din ang pangangatawan, nakasuot ng asul na sweat shirt at gray shorts.

Sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, naganap ang pamamaril sa Block 1 Canada Street, Pag-Asa Floodway, Barangay Sta. Ana, Taytay, dakong 2:25 ng madaling araw.

Ayon sa mga residente, nagising sila sa sunud-sunod na putok ng baril, at nang silipin ay bumulaga ang bangkay ng mga biktima.

Doc Willie Ong, na-touch sa mensahe ni VP Sara sa kaniya

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

-Mary Ann Santiago