TORONTO (AP) — Kung may salitang dapat pag-usapan, ito’y ang ‘hindi pa’.

MAKABALIK na kaya si Kevin Durant sa laban ng Warriors sa Game Five?

MAKABALIK na kaya si Kevin Durant sa laban ng Warriors sa Game Five?

Hindi pa ganap ang pagsuko ng Golden State sa kampeonato. Hindi pa handang bumili ng bahay at lupa sa Toronto si Kawhi Leonard. Hindi pa handa ang Raptors na simulan ang pagdiriwang. At hindi pa malinaw kung makalalaro si Kevin Durant sa Game Five.

Gayunman, posibleng magkaroon  ng bagong kampeon sa NBA nitong Lunes (Martes sa Manila) sakaling mapanatili ng Toronto Raptors ang dominasyon sa Golden State Warriors sa Game Five ng best-of-seven championship.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tangan ng Raptors ang dominanteng 3-1 bentahe, tampok ang magkasunod na dominanteng panalo sa Oracle Arena na naglagay sa two-time defending champions sa balag ng alanganin.

“We haven’t done anything,” pahayag ni Raptors guard Kyle Lowry. “We’ve still got to get one more win. It’s the first to four. You’ve got champions coming in here and they’re going to play their butts off and play extremely hard.”

Posibleng makasama sa kanilang sasagupain ang two-time NBA Finals MVP na si Durant.

Halos isang buwang nabakante si Durant bunsod ng injury, ngunit kasama na ito na nagensayo ng Warriors nitong Linggo. Umaasa ang Warriors na makalalaro na si Durant sa Game Five.

“It’s just a matter of, ‘Can you win one basketball game right now? Can you go play an amazing 48 minutes, quiet this crowd that’s going to be probably unbelievable, and slow down a team that’s been playing amazing, especially these last two games, and just win one basketball game?’” sambit ni Warriors guard Stephen Curry. “If we focus on that mission, our history kind of speaks for itself in terms of being able to get that done.”

Maging si Raptors coach Nick Nurse ay ayaw magpasiguro, sa kabila ng kaliwa’t kanang paghahanda para sa isang malaking selebrasyon sa Jurassic Park.

“There’s still a lot of work to do,” pahayag ni Nurse.

Ganito rin ang pakiramdam ni Leonard. Sa nalalapit na free-agency, pinasinungalingan nito na bumili na siya ng ari-arian sa Toronto.

“It didn’t happen yet, no,” aniya. “We’re focused. We know that it doesn’t mean anything until someone has four wins.”

Sakaling manaig, balik ang Warriors sa Oracle Arena para sa Game Six. Iginiit ni Warriors guard Klay Thompson na karapat-dapat na masaksihan ang isa pang laro sa Oracle Arena – ang tahanan ng Warriors sa nakalipas na 47 taon.