HINDI inalintana ng 430 kabataan ang buhos ng ulan para makilahok sa isang araw ng laro at saya na ginanap sa Padada Davao del Sur at Davao City nitong nakaraang linggo.

Ikinasaya ng mismong Barangay Captain ng Padada na si Vilmar Embudo ang ginawang Sports for Peace Children's Games ng Philippine Sports Commission (PSC), kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga kabtaang may edad walo hanggang 11-anyos na makapaglaro ng maayos at mapangalagaan ang kapaligiran.

Naging bahagi ng nasabing event ang pagtatanim ng mga mangrove o bakawan at paglilinis baybayin ng nasabing lugar.

Ayon kay PSC Mindanao cluster head na si Ed Fernandez ang pagbibigay ng karapatan sa mga bata na maglaro ay magbibigay sa kanila ng kumpiyansa na humarap sa ibang tao.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

"They make friends and learn values of respect and understanding early in life," aniya.

Malaki naman ang pasasalamat ni PSC Chairman William "Butch" Ramirez sa local government officials at mga stakeholders na tumulong upang matuloy ang nasabing event.

Naglaro ng paglipat ng tubig, sack race at kadang-kadang ang mga batang Kristyano at Muslim.

Bukod dito,l umahok naman ang ibang kabataan para sa Children's Games basketball clinic na ginanap sa Dennis A. Uy SFX Remase Gym sa Catalunan Grande na pinamumunuan ng PSC Mindanao. - Annie Abad