Dalawang pinaghihinalaang drug pusher ang napatay ng pulisya matapos umano silang lumaban sa buy-bust operation sa Purok Amihan, Barangay Barrera, Cabanatuan City, Nueva Ecija, nitong Huwebes ng madaling araw.

BULAGTA (3)

Sa report ni Lt. Col. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, nakilala ang mga napatay na sina Ronald Gaudia, alyas “Onel”, ng Bgy. Imelda, naturang lungsod, at  Benjo Malanan, ng Bgy. Bantug La Torre, Talavera.

Ayon sa imbestigador, nakatunog umano ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon kaya agad silang bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis, dakong 3:00 ng madaling araw.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Matapos makipagbarilan, tumimbuwang ang dalawang suspek sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Narekober sa pinangyarihan ng labanan ang 13 na plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang cal. 45 pistol, isang cal. 22 revolver at buy-bust money.

Sa rekord ng pulisya, ang dalawa ay kabilang sa kanilang drug watchlist at sangkot din umano ang mga ito sa serye ng robbery at theft cases sa lugar.

-Light A. Nolasco