SA grand mediacon ng pelikulang The Last Interview: The Antonio Halili Story, na showing na ngayon sa mga sinehan, natanong ang bidang si John Estrada, kung takot ba siya sa multo.
Si John kasi ang gumanap sa role ni Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili, na pinaslang noong July 1, 2018. Sa presscon ng movie tungkol sa huling panayam sa alkalde, napag-usapan ang pagmumulto or pagpaparamdam ni Halili habang nagsu-shooting sina John, Ara Mina, at iba pang cast, sa mismong bahay ng mga Halili sa Tanauan.
Umamin si John na mas takot siya sa multo kaysa tao.
May pinaghuhugutan kasi si John kung bakit siya takot sa multo. Kuwento niya sa amin, nag-umpisa ang takot niya sa multo nu’ng siya raw ay seven years old pa lang.
Namatay daw ang Lolo niya at sa bahay nila ibinurol. After five days daw, nagmulto ito habang natutulog sila ng kanyang youngest brother, na five years old at that time.
Added na kuwento pa ni John, habang nakahiga raw sila ng kanyang brother, ‘yung laruan daw niyang lumang tren na nakapatong sa ibabaw ng aparador nila, na wala naman daw battery, ay bigla na lang daw umilaw at tumunog.
Pagkatapos daw nu’n, two months pagkamatay ng lolo ni John, sumunod daw na namatay ang kanyang five years old na brother. Sabi raw ng parents ni John, baka raw kinuha ito ng kanyang Lolo, dahil paborito itong apo.
Pagkatapos daw noon, paulit-ulit na raw niyang naririnig ang pagtunog ng tren sa ibabaw ng aparador nila. Tumatak na daw ‘yon sa isip niya to the point na ayaw na niyang matulog sa kuwarto nila noon.
Ewan lang kung hanggang ngayon ay takot pa rin si John sa multo, kahit katabi na niya sa kama ang kanyang asawang si Priscilla Mereilles.
Sayang at hindi natanong ni Yours Truly ang John Estrada kung in real life ba ay nagpakita sa kanya ang multo mismo ng Lolo niya or aktuwal na bang nakakita siya ng multo?
Sasabihin ko sana sa kanya na kapag nakakita siya talaga ng multo ay tumaya siya sa lotto at baka manalo siya, tulad ng naranasan noon ni Yours Truly, nang mismong Araw ng mga Patay years ago ay nakita ko ang multo ng tiyahin kong natigok na. Tumaya ako sa lotto that day ng four digits lang, and presto, win ng P80,000 si Yours Truly ,sa true lang, walang halong kyems.
Ito rin ang kuwento ng isang taxi driver na aming nasakyan. May sumakay daw na babae sa taxi niya sa bandang Balete Drive, at nagpahatid sa Mt. Carmel Church sa may Broadway, at nang ihinto niya ang taxi sa tapat ng nasabing simbahan. Paglingon niya wala na ‘yung babaeng nakasakay at ‘di rin niya nakitang naglakad or nag-wantutri sa kanya, kaya gayon na lang daw ang kilabot sa kanyang katawan. Kinaumagahan daw ay agad siyang tumaya sa Lotto, at naka-jackpot ang damungkang nang milyones. Kaya nga bumili siya ng mga sasakyan na ginawa niyang mga taxi.
So, ayan, John, may tips ka na kung paano manalo sa Lotto, ha? If ever na manalo ka dahil sa nakakita ka ng multo up close and personal, balato, ha? ‘Yun na!
Niwey, ang The Last Interview: The Antonio Halili Story ay concepted, produced and directed by Ceasar Soriano, at showing na nga sa mga sinehan as of this writing.
‘Yun lang.
-MERCY LEJARDE