SERYOSO ba itong tsika sa amin ng avid supporters nina Joshua Garcia at Julia Barretto na hiwalay na sila? Anong nangyari?

joshua at julia

“Nu’ng una po tampuhan, medyo hindi nag-uusap, tapos tumagal nang tumagal,” kuwento sa amin.

“Si Julia kasi ‘pag alam niyang hindi kumikibo si Josh nagtatanong siya, tapos si Josh iling lang, okay lang daw siya, wala lang siya sa mood. Hanggang sa tumagal na.”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

B a l i k - t a n o n g namin, hindi pa pala hiwalay, tampuhan lang naman pala.

“ E h , p a r a n g papunta na po,” sabi kaagad sa amin.

Ano ba ang dahilan ng tampuhan na ‘yan?

“Am not sure po kasi kung may usapan ang JoshLia na hindi sila tatanggap ng movie na may kissing scenes sa iba. Dapat sila muna bago sa iba. Naging big issue po kasi ‘yung kissing scene nina Julia at Gerald (Anderson) sa Between Maybes,” kuwento pa sa amin.

Ganu’n pala ‘yun? Eh, oo nga napanood namin ang pelikulang idinirek ni Jason Paul Laxamana. In fairness, nagustuhan namin ang kuwento, cute para sa amin at tulad nga ng sinulat namin dito sa BALITA, bagay na love team sina Gerald at Julia, as in.

At tungkol sa kissing scene ng dalawa, oo may kilig. Ang ganda ng pagkakakuhang iyon ni Direk Jason Paul. Hindi lang namin nasulat na posibleng pagselosan ni Joshua ang eksenang iyon ng katipan.

Going back to avid supporters ng JoshLia, sinabi namin na mga artista sila at trabaho lang naman lahat kaya bakit kailangan nilang mag-react?

Base naman sa aming source ay ka-cheapan ang isyung hiwalayan, kung totoo man, dahil lang sa kissing scene ni Julia kay Gerald. Oo nga na sa ilang pelikulang n a g a w a n g JoshLia ay hindi pa sila nag-kiss together, kaya bakit nga naman naunahan pa ni Gerald si Joshua?

Naku, ‘wag nang gawing big deal ‘yan. Tapos na naman, at saka ang mahalaga, sa puso’t isipan ni Julia ay si Joshua. Iyon ang mahalaga, dahil si Gerald ay hindi rin naman niya ipagpapalit si Bea Alonzo kahit kanino.

Hmm, ito ba ang dahilan kung bakit sa panayam ng Daddy ni Julia na si Dennis Padilla ay nasabi niyang ramdam niyang may problema ang anak kay Joshua? Ilang beses daw tine-text ni Dennis ang karelasyon ng anak pero hindi sumasagot?

Naku, Joshua, be man enough! Harapin mo ang tatay ng babaeng mahal mo. At ‘yung tampo thing, walang mararating ‘yan, kaya dapat magkaliwanagan kayo ni Julia.

Pero sabi naman ng aming source “okay naman daw ang JoshLia.”

Naku, siguro maniniwala ang publiko na okay ang dalawa kapag sabay silang nag-guest sa Tonight With Boy Abunda, dahil doon tiyak na kukulitin sila ni Kuya Boy Abunda kung ano ang real score nila.

-REGGEE BONOAN