MATAAS na kalidad ng kompetisyon ang hatid ng Premier Volleyball League (PVL) sa presensiya ng mga premyadong foreign players para sa Reinforced Conference ng liga simula sa Mayo 26 sa FilOil Flying V Arena sa San Juan.

Mismong sina Dzi Gervacio ng Banko Perlas at Myla Pablo ng Motolite – dalawa sa pinaka-exciting na local players sa liga – ang nagpahayag ng kasabikan para makipagsabayan sa mga imports.

“The presence of these imports will only make us more determined to work harder. Lalo lang kami magpupursige na manalo at madala ang team sa championship,” pahayag ni Gervacio sa kanyang pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

“Mas mabigat ang laban ngayon dahil may mga imports, pero handa naman kami lahat, lalo ang team namin Banko Perlas,” sambit ni Gervacio.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Kahit new team ko itong Motolite, mataas nanan kumpiyansa ng team. Mas competitive ngayon with imports pero lahat . gusto mag champion ngayon,” saad naman ni Pablo, miyembro ng Pocari na nagkampeon dito sa nakalipas na season.

“Bale ako ang pinaka-veteran, kaya ako ang ate sa team. Hopefully, ma-inspired ko ang mga teammates ko para maganda ang maging campaign namin, dahil talagang mataas ang expectation sa amin,” aniya.

Iginiit ni PVL president Ricky Palou na magpupursige at mas determinado ang mga local players para maipamalas ang kanilang kahusayan at kahandaan para sa malaking kompetisyon.

“While we have a lot of good Imports for all our six teams in the coming conference, sigurado naman nandyan pa din yun mga magagaling nating players, “ pahayag ni Palou sa sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission. PAGCOR, NPC, Community Basketball Association, at HG Guyabano Tea Leaf Drinks ni Mike Atayde.

Patunay umano ang pagtanggap ng masa sa women’s volleyball sa resulta ng UAAP volleyball finals sa pagitan ng Ateneo at University of Santo Tomas.

“Ang daming tao, ang daming nanonood. It only means that imports are not the only ones bringing in the crowd. Kahit all-Filipino. Ang gusto talaga ng mga ng tao makapanood ng magandang laro,” ayon kay Palou

Kabuuang anim na koponan ang magsasagupa ngayong season -- Motolite, Banko Perlas, Petro Gazz Pacific-Army, BaliPure at Creamline.