MARAMING fans ang nadismaya sa final episode ng Game of Thrones na ipinalabas nitong Linggo ng gabi.

GOT

Sa kabila ng pagkakaroon ng pinakaraming cast sa kasaysayan ng telebisyon, limitadong karakter lamang ang napanood sa huling episode. Sina Daenerys Targaryen (Emilia Clarke), Jon Snow (Kit Harington), Davos Seaworth (Liam Cunningham), Tyrion Lannister (Peter Dinklage), at Arya Stark (Maisie Williams), Sansa Stark (Sophie Turner) at Bran Stark (Isaac Hempstead Wright) ang ilan sa kaunting karakter na umabot hanggang sa dulo.

Napanood sa final episode ng award-winning series na itinanghal na hari si Bran Stark makaraang patayin ni Snow si Dany, na dahilan para sunugin at abuhin ni Drogon ang Iron Throne.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Higit pa, mananatiling isang independent state ang North na pinamamahalaan ni Sansa, at si “Bran the Broken” ang naging hari ng Six Kingdoms. Ipinadala si Jon sa North of the Wall, naging kanang kamay ng hari si Tyrion, namuhay nang mag-isa si Arya, at ipinakita ni Sam sa small council ang history book na may titulong A Song of Ice and Fire.

Ayon sa ulat ng People, matapos na iproseso ng fans ang mga kaganapan, marami ang nadismaya at hindi nakuntento sa pagwawakas ng serye.

Mas marami naman ang umangal nang makuha ni Bran ang Throne.

“We came all this way for the useless #BranStark to be the new King of Westeros? Let the log show I am displeased,” post ng isang Twitter user.

Ngunit sa kabuuan, hindi naging masaya ang fans sa buong season. Sa kabila ng major plot developments, humihingi pa ang fans sa serye ng mas kapana-panabik na kaganapan.

“So this was very underwhelming,” post ng isa pang fan.

May nagtaguri naman sa finale na “worst episode of the entire series.”

“Game of thrones finale is quite possibly the worst finale of a series,” sabi ng isa pang fan.

Bago ipalabas ang finale, inamin ni Kit na inaasahan na niyang iba’t iba ang magiging reaksyon ng viewers sa wakas ng kanilang serye.

“I haven’t watched a single series that has a following like Thrones does where everyone is satisfied with the ending,” aniya. “I don’t think that it’ll be any different with this. I think it will divide opinion.”