Nagpahayag ng pagkabahala ang National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) sa sunud-sunod na pagpatay sa mga abugado sa bansa.

LAWYER

Ayon kay Atty. Ephraim Cortez, secretary-general ng NUPL, naalarma na ang kanilang grupo sa patuloy na pamamaslang sa mga abogado na ngayo’y umabot na sa 38 ang napapatay, simula noong 2016.

Aniya, kung hindi kaya ng pamahalaan na masawata ang pamamaslang sa kanilang hanay ay mawawalan na umano ng abugadong tatakbuhang ng publiko.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kaugnay nito, nanawagan din si Cortez ang mga kinauukulan na gumawa ng kaukulang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga abogado sa bansa.

Matatandaang magkasunod na pinaslang ang dalawang abogado sa Dagupan City, Pangasinan at sa Rodriguez, Rizal, nitong Biyernes.

-Fer Taboy