ANG daming kinilig sa Mother’s Day message ni Dingdong Dantes sa asawang si Marian Rivera.

Zia, Dingdong, Marian, at Ziggy copy

“A realized dream—all because of you, @marianrivera. Happy Mother’s Day to this little family’s Super Mom.”

Ito ang caption ni Dingdong bilang sweet Mother’s Day message, na may family picture nila nina Zia at Ziggy.

Nag-post din ng family picture si Marian at may caption na: “Salamat Ama, for my greatest gifts! #TheDantesSquad.”

Tsika at Intriga

Kakai sa di kakain ng karne pero pumapatol sa may asawa: 'Maggulay ka na lang bhie!'

Isinabay ng mag-asawa sa Mother’s Day ang paglabas ng kanilang family picture, na matagal nang nire-request ng kanilang supporters.

Samantala, nabasa namin ang convo nina Dingdong at Rocco Nacino na sabay silang mag-training. Hindi man sinabi ni Dingdong kung saan sila magte-training, nahulaan agad ng followers ng actor na training para sa Philippine a d a p t a t i o n ng Korean drama na Descendants of the Sun, na gagawin ng GMA-7.

Second lead ni Dingdong ang gagampanang role ni Rocco

-NITZ MIRALLES