Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

12 noon – NU vs FEU (Men Finals)

4:00 n.h. -- UST vs Ateneo (Women Finals)

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

KAKAIBANG putahe ang matitikman simula ngayong hapon sa unang tapatan ng University of Santo Tomas at Ateneo de Manila University sa women’s finals ng UAAP Season 81 Volleyball Tournament sa Araneta Coliseum.

Kapwa nabigong pumasok ang nakaraang taong finalists De La Salle at Far Eastern University matapos mabigo sa Final Four round, ang una sa second seed Tigresses at ang huli sa topseed Lady Eagles.

Ito ang unang pagkakataon na muling tumuntong ng finals ang UST mula noong Season 78 kung kaya determinado sila partikular ang kanilang graduating skipper na si Sisi Rondina na makamit ang titulo.

Ang finals appearance naman ang ikapito para sa Lady Eagles sa nakalipas na walong taon at una para kay dating men’s champion coach Oliver Almadro bilang women’s mentor

“Hindi pa tapos. May isang goal pa kami at yin ay manalo ng championship, “ pahayag ng nangungunang MVP candidate na si Rondina.”Gusto naming manalo para sa mga fans, sa mga supporters at mga alumni na naniniwala sa amin.”

“Hindi pa kami puwedeng mag relax. Lalong hindi puwedeng maging complacent,” wika naman ng leading top rookie candidate na si Eya Laure.

“Kahit anong mangyari, ibibigay pa rin namin lahat ng aming makakaya. Whatever it takes, lalaban kami,” dagdag pa ni Laure.

Sa panig naman ng Ateneo, magkakatalo na lamang sa karakter ang dalawang koponan pagdating ng finals.

“Ibang usapan naman ang Finals sa elimination round. For sure both teams will give everything they got,” sambit ni Lady Eagles co-captain Maddie Madayag.

-Marivic Awitan