Mga Laro Bukas

(Hagonoy Sports Complex, Taguig)

10:30 n.u. -- Bacoor vs Pasay (17U)

1:00 n.h. -- San Juan vs Navotas (17U)

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

2:30 n.h. -- Taguig vs Las Piñas (17U)

4:30 n.h. -- Bacoor vs Valenzuela (Reinforced)

6:00 n.g. -- Taguig vs Pasig (Reinforced)

HINIYA ng Quezon City ang home team Solid San Juan sa manipis na 88-85 desisyon para mapatatag ang pangunguna sa North Division ng Metro League Reinforced (Second) Conference nitong Martes sa San Juan Gym.

HITIK sa aksiyon ang bawat labanan sa M-League Reinforced Conference sa San Juan City gym.

HITIK sa aksiyon ang bawat labanan sa M-League Reinforced Conference sa San Juan City gym.

Naisalpak ni gunner Jefferson Comia ang dalawang crucial free throws may 12 segundo ang nalalabi sa laro para selyuhan ang panalo ng Junior Capitals.

May pagkakataon ang Solid San Juan na maihila ang laro sa overtime, ngunit sumablay ang pagtatangka ni King Astrero sa three-point area sa buzzer.

Tumapos si Comia na may 13 puntos, tatlong rebounds, dalawang assists at dalawang steals para mahila ng QC ang karta sa 4-2 para manguna sa North Division ng M-League sa pagtataguyod ng Metro Manila Sports Fest of the Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine Basketball Association (PBA) at Barangay 143.

Sa unang laro, nakabalik sa winning track ang tropa ni Bing Victoria na Taguig Generals matapos gapiin ang Pateros-Metro Asia, 108-70, sa pinakatambak na resulta sa liga na suportado rin ng Synergy 88, World Balance, Excellent Noodles at San Miguel Corporation.

Nag-ambag sina John Jeryl Espanola at John Carl Melegrito ng 16 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa Quezon City.

Nanguna sina Michael Canete na may 20 puntos, habang humugot si American import Raymond Miller ng 21 rebounds para sa San Juan na bumagsak sa 2-4 sa liga na itinataguyod din ng MS Global Technologies, Inc. as official livestream and technology partner, Spalding, Team Rebel Sports, PLDT at Manila Bulletin as media partner.

Iskor:

(Unang Laro)

Taguig (108) -- Ojuola 33, Gilbero 14, Publico 12, Francisco 10, Mayo 10, Uyloan 7, Gozum 7, Sampurna 4, Guiyab 3, Alcantara 3, Orodio 3, Oliveria 2, Subrabas 0

Pateros-Metro Asia (70) -- Gerero 18, Quinga 16, Asis 10, Mabazza 8, Anasco 4, Da Silva 3, Go 2, Marcial 2, Pacleb 0, Cruz 0,

Quarterscores: 18-14, 45-34, 70-47, 108-70

(Ikalawang Laro)

QC (88) -- Espanola 16, Melegrito 14, Comia 13, Vasallo 11, Asuncion 9, Estoce Jr 8, Abarcar 7, Macaballug 4, Udjan 4, Belosillo 0, Delos Reyes 0, Outtara 0,

Solid San Juan (85) -- Canete 31, Miller 20, Saret 10, Astrero 9, Castro 8, Abanes 3, Jacunap 2, Matias 2, Clarianes 0, Danas 0, Dada 0, Elarmo 0

Quarterscores: 18-31, 40-42, 64-59, 88-85