IPINOST ni Clint Bondad ang mga litrato niya na kuha sa contract signing niya sa GMA Artist Center. Sa caption niya sa photos, special mention niya si Jennylyn Mercado na naging daan sa kanyang pagiging Kapuso star.

Clint copy

“And the transfer is official! Part of the #Kapuso network GMA. Just wanted to say thanks to @mercadojenny for being the main reason why I became interested. Our ‘Dear Uge’ episode last year really changed my view on things. Needless to say you are such a sweetheart!

“Super SPECIAL thanks to my handler and my main guy Christian Torio. You are the driving force behind all of this. It wouldn’t be the same without you brother. I truly mean that. Wouldn’t want to work with anyone but you! You are the best!

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

“And of course thanks to the Kapuso Network GMA for all the fun we already had so far and will have!”

In fairness kay Clint, kahit sa presscon ng rom-com series na Love You Two, pinasalamatan din niya si Jennyln dahil pumayag itong makapareha siya sa Dear Uge episode kung saan nakita ang malakas nilang chemistry.

Nasundan ang Dear Uge nang sunud-sunod na paggi-guest ni Clint sa iba’t ibang shows ng GMA-7 at ang pinakahuli niyang labas ay sa Love You Two as Jennylyn’s ex-BF. Special participation lang yata ang labas ni Clint sa primetime series dahil hindi pa uli siya napapanood, kaya nagre-request ang fans ni Clint na bigyan siya ng bagong show ng network.

Samantala, kasama rin ang aktor sa cast ng comedy movie ng Backyard Productions na Kiko en Lala na pinagbibidahan ni Super Tekla, sa direksyon ni Adolf Alix, Jr. This May na raw ang showing ng pelikula.

Napansin pala namin na hanggang ngayon, wala pa ring pina-follow sa IG si Clint. In-unfollow niya lahat ng pina-follow niya dati, pero open ang comment box niya, k a y a n a k a k a p a g - commen t pa r i n ang followers niya, pati ang kanyang bashers.

-Nitz Miralles