May 22, 2026

Home SHOWBIZ

'Laro Laro Pick' contestant, nagpaalala sa kapuwa kabataan: 'Vote wisely!'

'Laro Laro Pick' contestant, nagpaalala sa kapuwa kabataan: 'Vote wisely!'
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN Entertainment (YT), via MB

Nagbigay ng paalala ang student leader at “Laro Laro Pick” contestant na si Rizza Marie de Guzman sa kaniyang mga kapuwa kabataan.

Sa latest episode kasi ng “It’s Showtime” nitong Biyernes, Marso 20, nausisa si Rizza kung ano ang maitutulong niya sa komunidad lalo na sa nalalapit na halalan sa 2028.

“Ang masasabi ko lang po sa inyo, guys, is vote wisely po. Kasi po dito po nakalaan ‘yong future ng ating kabataan. Hindi lang po siya dapat pansariling interes lang po,” saad ni Rizza.

Dagdag pa niya, “Hindi po dapat tayo nagbe-base sa ating popularity. It should be the work. Because they are the ones serving us, we are not serving them.”

Sinang-ayunan naman ito ni “It’s Showtime” host Vhong Navarro. 

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“Kumbaga dapat pino-profile lahat, e. Kaya ‘yong iba, nililista na nila, e. Tapos nakalagay ano na ba nagawa ng mga ito,” anang host.

Samantala, tila napahanga naman ni Rizza ang isa pang “It’s Showtime” host na si Jackie Gonzaga.

Aniya, “Do’n sa pagsasalita niya, do’n mo makikita kung bakit siya ‘yong in-appoint. Grabe ‘yong pananalita. May diin, may bigat. Gano’n dapat ang student leader.”

Si Rizza ay nag-aaral sa Rizal Technological University-Mandaluyong Campus at kasalukuyang Director for Linkages and External Relation ng Association of Human Resource Management Students.