Pumanaw na si Peter Mayhew, na gumanap na Chewbacca the Wookiee sa limang pelikulang Star Wars, sa edad na 74.

Peter Mayhew

Peter Mayhew

Sumakabilang-buhay ang British-born actor, na hindi nasilayan ang mukha sa lahat ng pelikulang Star Wars—ang buong katawan niya ay laging nababalot ng kanyang Wookiee costume—sa kanyang bahay sa north Texas nitong Martes, ayon sa pahayag ng kanyang pamilya sa Twitter.

Walang ibinigay na detalye sa kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Peter.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang matangkad na aktor ay unang gumanap bilang ang nakatutuwang si Chewbacca sa landmark 1977 sci-fi action-thriller na Star Wars, at napanood din sa apat pang sumunod na pelikula ng blockbuster series—ang The Empire Strikes Back, Return of the Jedi, Revenge of the Sith, at The Force Awakens.

Naging off-camera consultant din siya sa huling pelikula ng series, ang The Last Jedi noong 2017, at tinuruan ang pumalit sa kanya para maayos na magampanan ang papel ni Chewbacca.

Reuters