SA larong magpapalakas ng kanilang tsansang muling makatungtong ng Finals, natalo ang defending women's champion De La Salle University noong Linggo ng hapon sa pagtatapos ng UAAP Season 81 volleyball tournament elimination.

Nabigo ang 3-time reigning titlist na makamit ang ikalawa at huling twice-to-beat advantage sa Final Four nang maungusan sila ng Far Eastern University, 22-25, 25-13, 25-15, 25-27, 8-15.

Dahil dito, nawala ang tsansa nilang direktang makopo ang no.2 spot na may insentibong kaakibat at kinakailangan pa nilang dumaan sa playoff para ito makamit.

Magtutuos sila ng University of Santo Tomas na gaya nila'y nagtapos na may markang 10-4, panalo-talo sa eliminations upang alamin kung sino ang magkakaroon ng twice-to-beat advantage sa semifinals.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Magaganap ang kanilang playoff match ng Tigresses na sya ring makakasagupa nila sa Final Four bukas-Miyerkules (Mayo 1).

Hindi naitago ni La Salle coach Ramil De Jesus ang pagkadismaya sa ipinakitang laro ng kanyang mga manlalaro.

“Nothing to lose naman kasi sila (FEU). Sa amin, malaking bagay talaga, pero ganoon talaga. Pagdating ng Wednesday, kailangan maghanda. Ang importante, kailangan nila paghirapan talaga kung gusto nilang makarating sa Finals,” pahayag ni De Jesus.

“Mabigat, pero kailangang tanggapin. Sila din naman may pagkukulang sa loob kanina. Sabi ko sa kanila, ganoon talaga: gusto niyo manalo, pero mas gusto manalo ng FEU. Hindi pwedeng hihingiin natin ‘to, wala namang bearing sa inyo, ganoon. Kung gusto niyo manalo, paghirapan niyo,” dagdag nito.

“Hindi matutupad ‘yung four-peat niyo kung ayaw niyo manalo," ayon pa kay de Jesus na sinabi nya sa Lady Spikers.

-Marivic Awitan