Pinoy, ratsada sa 18 gold medal sa Arafura Games

DARWIN, Australia – Hindi nagpapigil ang Team Philippines sa nasungkit na walong gintong medalya sa ikalawang araw ng kompetisyon sa 2019 Arafura Games.

PINATUNOG ni Pangulon Duterte ang batingaw bilang bahagi ng tradisyunal na pamamaraan sa pagsisimula ng Palaro Pambansa, habang nakamasid ang mga opisyal sa pangunguna nina DedEd Secretary Leonel Briones at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez, habang hataw na sa aksiyon DARWIN, Australia – Hindi ang mga mga atleta sa archery at athletics.

PINATUNOG ni Pangulon Duterte ang batingaw bilang bahagi ng tradisyunal na pamamaraan sa pagsisimula ng Palaro Pambansa, habang nakamasid ang mga opisyal sa pangunguna nina DedEd Secretary Leonel Briones at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez, habang hataw na sa aksiyon DARWIN, Australia – Hindi ang mga mga atleta sa archery at athletics.

Matapos ang impresibong ratsada sa opening day, nagpakatatag muli ang Pinoy sa swimming (limang ginto) at athletics (tatlong ginto), upang hilahin ang hakot sa torneo sa 10 gintong medalya sa nakalipas na dalawang araw ng akisyon nitong Linggo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakopo ni Lora Micah Amogius ang ikatlong gintong medalya nang magwagi sa women’s 4x100m medley relay, habang naisubi ni Mark Anthony Casenas ang ikalawang gintong medalya sa pagwawagi sa men’s long jump.

Nakopo ni Franz Gela Bintad ang tagumpay sa women’s javelin throw, habang nanguna si Eliza Cuyom sa women’s 100m hurdles.

palaro3

Sa unang araw ng kompetisyon nitong Sabado, nakamit ng athletics team ang pitong ginto, habang nanaig ang swimming team claimed sa tatlong event sa torneo. Itinataguyod ang PH delegation ng Philippine Sports Commission at Standard Insurance.

Nanguna sa unang araw ng aksiyon si Batang Pinoy standout Lora Micah Amogius, tinanghal na unang Pinay double gold medalist, nang magwagi sa 13-14 100-meter backstroke at 200-meter individual medley.

palaro4

Naisumite ni Amogius ang tyempong isang minuto at 10.53 segundo sa women’s 100-meter backstroke, at tumapos sa oras na 2:33.63 sa 200-meter individual medley. Nagwagi naman si Ivo Nikolai Enot sa men’s 13-14 100-meter backstroke sa tyempong 1:05.52 .

Ang mga naunang nagwagi sa athletics ay sina Abigail Manzano (women’s 3,000-meter steeplechase), Nicko Caparoso (men’s 3,000-meter steeplechase), Bruce Fernia (men’s javelin throw), John Lloyd Cabalo (men’s 400-meter run), Jessel Lumapas (women’s 400-meter run), Mark Anthony Casena (men’s triple jump), at ang men’s 4x100-meter relay.

Tinanghal namang unang medalist si Kate Diaz, 15-anyos na pamangkin ni Olympic silver medalist Hidilyn Diaz, nang makamit ang silver medal sa women’s 45kilograms ng weightlifting.