MABIGYAN ng pagkakataon na makalahok sa international competition ang mga nagwagi sa mga kilalang multi-sports competition para sa grassroots development program, ang siyang isasakatuparang ng Philippine Sports Commission (PSC).

Makalipas ang mahabang walong taon ng paghihintay, muling nagbabalik ang Arafura Games ngayong taon at inaasahang kbuuang 15,000 kalahok ang dadayo sa Darwin, Australia sa muling pagsisimula nito ngayong darating na Abril 26.

Isang maliit ngunit matibay na delegasyon ang ipapadala ng Pilipinas ang 120-man team na binubuo ng mga atleta at mga coaches upang sumabak sa 10-araw na kompetisyon sa pamamagitan ng PSC .

Ang nasabing koponan na ipapadala ay buhat sa mga atletang nagwagi sa mga kompetisyon na gaya ng Philippine National Games, Batang Pinoy at Palarong Pambansa kung saan nagmula sa mga lalawigan ng Dvao City, Bacolod, Cagayan de Oro, Daval del Norte, general Santos at Palawan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon kay PSC National Training Director na si Marc Edward Velasco, na siya ring Deputy Chef de Mission ng nasabing delegasyon, sampung sa 17 sports na paglalabanan ang siguradong may malakas na laban ang Pilipinas kabilang na dito ang Para Athletics.

“PSC Chairman William Ramirez’s instruction was to send a strong team, to select the best among our players in the developmental level,” ani Velasco. “There was a rigorous selection process that was undertaken to choose the delegates,” pliwanag niya.

Nilinaw din ni Velasco na bahagi ng tinatawag na “sports pyramid” ng ahensiya ang ipinapatupad ngayon ng PSC, kung saan ang ,ga atleta buhat sa mga grassroots level ang unang bibigyan ng pagkakataon ng sumabak sa mga international competitions.

“Although the Arafura Games is a friendly competition, the level is high given the number and skills of the competitiors they will be facing. It is a good exposur,” aniya.

Ang Arafura Games ay bahagi din umano ng qualifier para sa mas mataas na lebel ng kompetisyo para sa mga sports na Muay at Weightlifting.

Nakatakdang umalis ngayong darating na Miyerkules patungong Darwin ang delegasyon lulan ng Philippine Airlines chartered flight.

Ang Filipino-Australian Association of the Northern Territories sa pamumuno ni Raul Daet, gayundin ang Philippine Consulate sa pangunguna ni Consul John Rivas, ay nanagako naman ng suporta sa koponan ng Pilipinas.

Huling ginanap ang Arafura Games noong 2011 kung saan bigla namang nasuspinde ang kasunod na edisyon sanhi ng banta sa kalusugan sa buong mundo.

-Annie Abad