Abueva, Standhardinger pinutungan ng 'tinik' sa walwal na laro

HINDI pinatawad ng PBA Commissioner’s Office ang kabalbalang ginawa nina Fil- German Christian Standhardinger at Calvin Abueva sa Araw ng Kwaresma.

ESEP-ESEP! Nakuha pang buskahin ni Calvin Abueva ang mga tagahanga ng Beermen matapos mapatalsik sa laro ang karibal na si Standhardinger. (RIO DELUVIO)

ESEP-ESEP! Nakuha pang buskahin ni Calvin Abueva ang mga tagahanga ng
Beermen matapos mapatalsik sa laro ang karibal na si Standhardinger.
(RIO DELUVIO)

Matapos ipatawag para magpaliwanag sa naging aksiyon sa kaguluhan sa Game 3 ng best-of-seven semifinal sa pagitan ng San Miguel Beer at Phoenix nitong Lunes, pinatawan ng multa ang dalawa sa kanilang ‘walwal’ na laro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pinatawan ng P20,000 multa ang 6-foot-9 Gilas mainstay bunsod ng flagrant foul 2 na natamo nang lantarang maaktuhan ang paninipa kay Abueva habang kapwa napahiga sa sahig.

Pinagmulta naman si Abueva, isa sa Gilas player na napatawan ng suspensyon ng International Basketball Federation (FIBA) sa naganap na rambulan laban sa Australian Boomers sa Asia Cup, ng P15,000 dahil sa lantarang pag-dirty finger sa mga tagahanga na nag-boo sa kanya.

Kapwa naman nakaiwas sa suspension ang dalawa at inaasahang mas magiging mainit ang tagpo sa Game 4 ng serye.

S a h i w a l a y n a d e s i s y o n , pinagmulta naman ng P5,000 si Phoenix big man Doug Kramer sa natamong flagrant foul 1 kay four-time MVPt June Mar Fajardo.

Nagkapikunan ang dalawa nang tangkain ni Abueva na agawin angbola kay Standhardinger sa post-up play. Sa kanilang pagkakatumba sa sahig, natamaan ng Fil-German sa kaliwang paa si Abueva na kaagad ding gumanti. Sa isang tagpo, nakita ang paninipa ng Beerman star sa maselang bahagi ni Abueva bago ito tumayo.

Ayon kay Standhardinger aksidente ang kaganapan at wala siyang intensyon na manakit.

S a k a b i l a n g p a g k a w a l a n i Standhardinger sa naturang laro, nakabalik ang Beermen mula sa paghahabol para maitarak ang 92-82 panalo para sa 2-0 bentahe.

Nakatakda ang Game 3 sa Linggo ng Pagkabuhay sa Smart Araneta Coliseum.