MAY title na ang Star Cinema movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards at sa feedback ng fans at casual fans, tanggap at nagustuhan nila ang napiling title na Hello, Love, Goodbye na mula sa direction ni Cathy Garcia-Molina.

Cast at staff ng 'Hello, Love, Goodbye'

Mabilis na nag-trending ang title ng movie at kanya-kanya ng comments ang netizens. May dalang sakit sa puso raw ang title, kaya ngayon pa lang, alam na raw nilang magdadala sila ng panyo sa sinehan,‘yung iba, lampin ang dadalhin habang ang iba naman ay kumot ang bibitbitin, dahil sigurado silang paiiyakin sila ng pelikula.

Nakakatuwa dahil parehong ibinalita sa TV Patrol ng ABS-CBN at 24 Oras ng GMA-7 ang title ng Kathryn-Alden movie. Pati nga ang CNN Philippines, ibinalita rin ang tungkol dito, kaya mukhang magkakatotoo ang sinasabi na magiging big hit ang Hello, Love, Goodbye.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Binago ang hitsura ni Alden sa pelikula para sa kanyang role na bawal pang sabihin. Naglagay siya ng hikaw sa kanang tenga at may tattoo sa braso. Sa napanood naming groupie na ipinost ng scriptwriter na si Carmi Raymundo kasama sina Alden, Kathryn, director Cathy at ilang staff ng movie, hindi pa inaahit ni Alden ang kanyang goatee at bigote.

Wala pang inaanunsiyong playdate ang Star Cinema sa Kathryn-Alden movie, pero excited na ang fans ng dalawang big star. May mga nag-schedule na nga ng block screening at ‘yung fans sa ibang bansa ay panay na tanong kung may international screening ang nasabing pelikula.

-NITZ MIRALLES